CHAPTER ONE

272K 12.9K 16.7K
                                    


CHAPTER ONE

"THE RESULTS of the entrance exam will be released tomorrow, what time are you leaving for school, Keziah?"tanong ni mommy habang nasa gitna kami ng dinner.

Kinuha ko ang table napkin at pinunasan ang gilid ng labi ko. Ngumiti ako pero puno ng kaba ang dibdib ko. "Sabay po kami ni Dein Leigh, mommy. She'll pick me up at eight."

"Can't you go alone?" my mom asked that question in her normal tone. Pero nadagdagan lang ang kaba ko.

"We want to see the results together, mom. And we're going to eat outside. Just a small celebration because we're finally reaching our dreams."

"This is just the first step, Keziah." Nakangiwing tumango-tango ang mommy ko saka tumuhog nang maliit sa steak. "Anyway, tawagan mo agad ako, I want to know your score."

Natigilan ako at napilitang ngumiti na lang. "Of course, mom, I will," pahina nang pahina kong sagot.

Ngumiti sa akin si daddy. "I'm sure ikaw ang top one, Keziah." Pinigilan kong mawala ang ngiti sa labi ko nang salubungin ang tingin niya. "Ikaw rin, Kimeniah, always aim for the top just like your sister."

Nagkatinginan kami ni Kimeniah at sabay na lang na napabuntong-hininga. Our parents and family are loving, we could wish for nothing more, but they are pretty strict too. They place high standards and demands when it comes to studies.

Nasa lahi na siguro na namin 'yon, kasi kahit ang pinsan naming si Lee Roi, pressured dahil sa parents niya pagdating sa studies. Maging ang grandparents namin ay gano'n. Gusto nilang parati kaming nangunguna.

Dahilan para pare-pareho kaming magpipinsan na tutukan nang todo ang pag-aaral. Pero hindi para ma-reach ang goal namin kung hindi para maabot ang expectations nila.

Dahil sa sobrang kaba ko, after dinner ay dumeretso na ako sa kwarto at inipon ang books ko. Hinanap ko ang sagot sa mga naaalala kong questions sa entrance exam. I wanna make sure that my answers were all correct. I'm confident that I'm going to pass that exam and I'm going to have a high score. Pero hindi ako sigurado kung ako ang top one. Sa dami ng nag-exam, ang hirap maging confident na ako ang pinakamatalino sa mga iyon.

Mas kabado ako nang gumising kinabukasan. Panay ang paghiling ko na sana ako nga ang nag-top one kahit na ramdam ko rin namang hindi ako. I hate this feeling.

"Smile, gaga, you're going to get high grades!" Dein Leigh tried really hard to cheer up on our way to school. "We both know you did your best and that's enough."

"Alam mo naman ang expectations ng parents ko," I sighed. "Hindi enough sa kanila ang high grades."

Tahimik na siyang nag-drive pero ang ngiti at excitement ay mababasa kay Dein Leigh. Doon ako naiinggit sa kaniya. Hindi ko maramdaman sa kaniya 'yong pressure na nararamdaman ko. I can feel nothing but happiness and excitement from her, na kahit anong maging resulta ng exam, tatanggapin at magse-celebrate ang family niya para sa kaniya.

"Look at that good-looking guy..." nagugulat na ani Dein Leigh.

Nilingon ko ang tinutukoy niya at natigilan sa nakita. "He's from...BIS?" hindi rin makapaniwalang sabi ko. Ang lalaking 'yon ay nakasuot ng uniform ng BIS. Kung may summer class ito ay hindi ko alam dahil may one week pa bago magsimula ang pasukan.

Nakaupo ang lalaking 'yon sa dulo ng jeep. Hindi sa upuan kung hindi doon mismo sa lapag na nilalakaran ng mga bumababa at sumasakay. Dahilan para saluhin niya ang lahat ng usok na mula sa tambutso ng jeep na sinasakyan at ng iba pang sasakyan.

LOVE WITHOUT FEARWhere stories live. Discover now