CHAPTER TWO

228K 11.7K 24.9K
                                    

CHAPTER TWO

"SINO 'YON?" gano'n na lang ang curiousity ni Dein Leigh, ang tinutukoy ay si Bentley. "Siya 'yong nakita nating nakaupo sa jeep, right?"

Tumango ako. "Oo."

"Magkakilala kayo?" natawa siya. She stared at me like she can't believe I knew someone like Bentley. Naasar ako.

I sighed, hindi alam kung paanong ipaliliwanag ang lahat sa kaniya. But she's my best friend, hindi siya matatahimik sa katatanong kung hindi ako magkukwento. Kaya sa huli ay kinuwento ko ang nangyari kung paano kaming nagkakilala ni Bentley.

"What?" panay ang pagtawa ni Dein Leigh hanggang sa maglakad kami pabalik sa classroom, hindi talaga siya makapaniwala.

'Sabagay, sino'ng maniniwala? Kahit ako ay hindi na-imagine ang sarili ko na iti-treat ng lunch ang student na totally stranger because of awa. Wala akong enough reason to do that, but I already did, at naaasar akong pinagtatawanan ako ngayon ni Dein Leigh.

"But admit it, he's handsome, 'no?" tanong niya sa nanunuksong tono, binangga pa ang balikat ko.

Natitigilan kong nilingon si Dein Leigh. "Seriously, bes?"

"Sabihin mong hindi?" hamon niya.

Natigilan ako ngunit hindi nagpahalata. "He looks dirty, ano'ng gwapo ro'n?" nag-iwas ako ng tingin.

Natahimik siya sandali, tila inalala ang itsura ni Bentley. "Marumi, well, kind of," aniyang nakatusok sa pisngi ang isang daliri. "Pero natatabunan no'n 'yong looks niya."

"Psh."

"Baka siya na ang forever mo?" lalo pa niyang tukso.

"Bes?" pinagkunutan ko siya ng noo.

"Oh, why not? He's good-looking"

"And poor," inis, mariin na dagdag ko.

"'Oy, bes, 'wag kang ganyan," nginiwian niya ako. "Bad 'yan. Hindi tayo pinalaking ganyan."

Napairap ako. "Alam mong bukod sa grades ay sa ganyan strict ang parents ko. Hindi nga nila natanggap ang pagiging top three ko, ano pa 'yong magkaroon ako ng..." hindi ko naituloy ang sasabihin.

"Ano?" sinalubong niya ang mukha ko, nang-aasar talaga. "Boyfriend na hindi pasok sa standards nila?" Humalakhak siya lalo.

Boyfriend... Hindi ko alam kung bakit may kung anong excitement na idinulot sa 'kin ang salitang 'yon. Ano nga kayang pakiramdam na may tinatawag na boyfriend?

"Hindi naman sila ang makikipagrelasyon, duh?" patuloy pa ni Dein Leigh dahilan para maputol ang imagination ko.

"You don't get it, Dein."

"Bes..." isinabit niya ang kamay sa braso ko at kinabig ako papalapit. "Kung nag-top siya sa entrance exam, it means, bright ang future niya! Duh? Compare him to my brother na malinis at may kaya nga, puro pambu-bully lang naman ang alam!"

"Nandoon na 'ko, pero...hindi ang tipo niya ang magugustuhan ng parents ko. May potensyal nga siya pero..." nilunok ko ang lungkot na naramdaman ko.

"'Uyy!" nagulat ako nang bigla niya akong kilitiin!

"Dein?!" asik ko.

"So, pinag-iisipan mo rin?"

"What?"

"Sige, itanggi mo? Pero, ano?" natatawa niyang hamon. "So, naiisip mong may potensyal siya?"

LOVE WITHOUT FEARWhere stories live. Discover now