Trenta'y siete

957 37 3
                                    


No matter what.


Sheena pov



DAHIL sa nangyaring iyon, nagkaroon ako ng dahilan na magsimula ulit. Ang ginawang pagmamakaawa ni Titus ay tila martilyong pinukpok sa ulo ko. Hindi magiging masaya si Mama kung patuloy lamang akong magluluksa. Umiikot ang mundo at maraming bagay ang nangyayari, kung patuloy lamang akong tatayo at iiyak. Mapagiiwanan ako ng lahat.



Wala na ang aking Ina. Wala na akong magagawa para maibalik siya. Ngunit hindi ibig sabihin noon ay hanggang dito nalamang ang buhay ko.

"Masiyadong malinis ang pagkakapatay sa Ina ng inyong asawa. Wala kaming makita na solid na ebidensiya. Ginagawa hoh namin ang lahat at hindi kami titigil hanggat hindi nareresolba ang kasong ito."

Dalawang buwan na ang nakakaraan ngunit walang pagbabago sa kaso ni Mama. Kung ang lahat ay nawawalan na nang pag-asa para sa hustisyang napakailap, ay lalo lamang nadadagdagan ang determinasyon ko at mga plano.


Kaagad akong pumanhik pataas ng kwarto matapos na magpaalam ang dalawang pulis na bumisita sa bahay namin.  Hindi alam ni Titus na narinig ko ang paguusap nila. Nahinto ako sa ambang paghawak sa doorknob matapos mamataan ang dalawang pares ng mata na nagmamasid sa'kin.


"Lolo..." Nahihiya ako sa ginawa kong pagsigaw sa kaniya sa burol ni Ina. Nakakagaan sa loob na hindi ako nakatanggap nang malamig na pakikitungo mula rito. Napagpasiyahan ng pamilyang Yoon na dito mamalagi sa bahay. Lahat sila  ay nasasabik sa batang nasa sinapupunan ko.



Magaan siyang ngumiti sa'kin. Nasanay narin akong nakikita siya na naglalakad at hindi naka-wheel chair. Tumango siya sa'kin at pumasok sa kaniyang silid, sumunod ako rito. Naabutan ko siyang payapang nakatingin sa kawalan. Ang ganda ng araw, ang hangin ay napakasariwa.

Pumikit ako at ninamnam ang paghalik ng kapayaan sa akin matapos akong makalapit sa kaniya.

"My wife died 8 years ago, wala ako sa tabi niya ng mga panahong iyon." Mabigat ang buntong hininga nang Lolo ni Titus. Nagbabalik tanaw sa kaniyang namayapang asawa. Bakas ang lungkot at paghihinayang sa boses nito. Minulat ko ang aking mata, tinuon ang atensyon sa harapan ngunit ang pandinig naman ay nasa katabi.

Nakakagulat dahil nasanay na akong masayahin niya at laging malaki ang ngiti. Hindi katulad ngayon na napakaseryoso nito at hindi man lang mabahiran ng sigla ang kaniyang boses. Ganoon nga siguro talaga kapag inaalala ang mga taong minsan nang naging parte ng aming buhay, na hindi rin nagtagal sa mundo.


" I'm busy with my works that time, focused on what I want to give for my family and what I want for future." Matabang nitong ulat, bahagya pang natawa ng mapait.


" If I just know that it would be her last day in this world, I should have stayed by herside. I should have cancelled my flights and hug her t-tight." Tuluyan na akong bumaling kay Lolo matapos marinig ang garalgal niyang tinig. Naabutan ko siyang nakangiti habang dumadaloy ang luha sa kaniyang mata na kaagad niya namang pinunasan.

"I realized how cruel I am. Thinking of ending mylife just to have her again." Umawang ang labi ko sa narinig sa kaniya.
Kahit gaano kalungkot ang buhay ko hindi sumagi sa isip kong tapusin ang buhay. Iyon ang isa sa mga bagay na hinding hindi ko gagawin. Kinilabutan ako bigla .


"Siguro nga hindi ko pa oras dahil hindi ko pa nakakalabit ang gatilyo ay nagpakita saakin ang apo kong si Titus."

"Pinigilan hoh kayo?". Pakiramdam ko ay ngayon ko lamang nagamit ang boses ko, muntik ko nang makalimutan na nakakapagsalita pala ako. Humalakhak ang matanda sa tanong ko at kumislap ang kaniyang mata, nakatingin siya sa'kin habang sinasagot ang tanong ko.



RAPE  (Completed) Où les histoires vivent. Découvrez maintenant