Bente -Otso

992 29 1
                                    


Mang Kanor



Sheena Pov




Dalawang araw na ang nakakalipas simula nang makita ko ang kotse niya. Ang sakit parin talaga na tanggapin na kaya niya akong tiisin. Huhuhuhu para na'kong tanga dito sa bahay kung saan-saan natutulala. Daig ko pa raw ang nagdo-droga sabi ni Caleb. Huhuhuhu.




Napakurap-kurap ako nang mata ng matanawan ang masamang-masamang mukha ni Totoy. Kumibot-kibot ang labi ko para magsalita sana kaso walang boses ang lumabas.





" 'Yan ang napapala nang hindi nagsasalita, napi-pipe", pinanlakihan niya ako ng mata matapos ngumise at umirap. Nainis ako sa inasal niya.





"Kanina ka pa namin tinatanong kung anong ulam ang lulutuin mo ngayon anak." segunda ni Mama na kaagad kong ikinataranta, agad agad akong tumayo para pumunta sana sa refrigerator nang marinig ko ang hagikhikan nilang dalawa. Nangasim ang mukha ko at nanlumo matapos may mapagtanto.





Kumakain na pala kaming tatlo ng pananghalian. Huhuhuhu. Bakit nakalimutan ko. Ano bang nangyayari sayo Sheena huhuhu.





Lumakas ang kanilang halakhakan nang bumalik ako sa hapagkainan. Hinayaan ko silang pagtawanan ako. Hindi nalang ako umimik at hinayaan silang isalaysay ang katangahang nangyari sa'kin kani-kanilang.





Masiyado na atang nasakop ni Titus ang isipan ko. Matamlay akong naghugas, halos lahat na ata nang gawaing bahay ginagawa ko para lang malibang at iwasang pagnilayan ang sakit na dulot nang sira-ulo kong asawa. Bakit gano'n? Akala ko love niya 'ko.





Pinunasan ko ang luha habang hinuhugasan ang paa nang limang aso ni Mama bago papasukin sa loob ng bahay.




"Ganiyan ba talaga pag broken hearted Honey? Kung hindi tulala ay nagiging masipag naman. Naks, sana all." bulanghit ni Caleb na nakasilip lamang sa'kin mula sa pinto, nakahawak ang isang kamay sa gitna nang inuunat niyang tela para hindi masaktan ang bagay na nasa loob na hanggang ngayon ay hindi pa naghihilom.



Sana all ano? Sana all brokenhearted? Sinong taong hihilingin na masaktan ng ganito? Lalo akong naiyak.




"Hayaan mo na 'yang kapatid mo. Ganiyan lang talaga ang trip niya sa buhay kapag nasasaktan," humalakhak si Ina na nakaupo sa couch na tila ba may naalala, nahinto pa sa pagtatahi at sandali akong binalingan.





"Naalala ko noon nang makita ko siyang tumutusok nang ice cream gamit ang tinidor. HAHAHAHAHA", naghalakhakan nanaman silang dalawa.




Sumapit ang alas dos at tuluyan na ngang napagod ang katawan ko sa walang humpay na kuskos at lampaso nang tiles naming sahig.




Pinagtatawanan nga ako nina Mama, hindi ko makuha kung anong nakakatawa r'on. Gano'n lang siguro nila pinapakita ang pasasalamat sa lahat ng ginagawa ko dito sa bahay.



Napapitlag ako ng may tumabi sa akin kaya lumubog ang kutsong-upuan na kinasasadlakan ko ngayon.





Nangunot ang noo sa malumanay na pagkuha ni Mama sa kamay ko. "Ang haba na nang kuko mo, hanggang ngayon nakakalimot kaparing putulin ang mga ito".



Gusto ko mang tumanggi kasi sinadya ko talaga iyong pahabain para magkaroon nang magandang korte ay hindi kona pinigilan si Mama.




Pagdating sa kaniya, hindi ko magawang kumontra. Napapikit ako sa hindi inaasahang paglabas nang imahe ng isang lalaki sa isipan ko.




RAPE  (Completed) Where stories live. Discover now