PROLOGUE

3.4K 49 60
                                    

Onze Series #1 - Encounter (complete)


Onze Series #2 - Alone in Katipunan


*NOTE: This is a work of fiction. Names, characters, places, events, businesses, locales and incidents are either the products of the author's imagination or is used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.


This story has nothing to do with any of the universities mentioned.


Please be reminded that this contains TRIGGER WARNINGS, sensitive content, mature themes, and strong language that are not suitable for young readers.


Typographical and grammatical errors ahead.


Contains spoilers for every series.


***


"Architect, naisend ko na po 'yung file through email.  And later, may meeting po tayo sa client, 'no?" 


Napaangat ako ng tingin nang marinig ang sinabi saakin ni Ava. She's an Architect Apprentice, already in her second year. Nakapatong ang braso niya sa panel ng desk ko. May mga hawak rin siyang papers, na sa tingin ko ay mga documents iyon. 


"Thank you, Ava. I'll meet you later na lang, ah." Sabi ko at nilagay sa table ko ang kinuha kong sample book ng tile floorings ko. 


She responded by doing the 'okay' hand gesture. Napangiti na lang din ako dahil sa ka-bubbly-han niya. 


Pag-alis niya, inayos ko na ang sample books ko na ipapakita namin sa client mamaya. Interior na lang naman kasi ang pagmi-meeting-an namin ngayon kaya ako nag-set ng appointment sa client. Ava is on my team, siya minsan ang nagt-take over ng site visits ko kapag hindi ako pwede. Pero as much as possible naman ay ako ang pumupunta sa site visits para masiguro ko kung ano na ang nangyayari sa site. 


Hindi naman matagal ang naging pag-uusap namin ng client dahil lagi naman siyang nag-aagree sa mga sinusuggest namin. Pagdating ng lunch time, umakyat ako sa floor nila Valerie para ayain siyang mag-lunch. Usually, siya ang pumupunta sa opisina namin para magkasama kaming kumain ng lunch. Minsan naman ay umoorder na lang kami at sa office na lang kumakain. 


Sa isang fast casual restaurant naming binalak ni Valerie na kumain ngayon dahil pareho naman kaming may oras. Nang makalabas kami sa kumpanya, sakto namang nag-ring ang cellphone ko. Sinagot ko naman kaagad ang tawag nang mabasa ang pangalan ni Joshua. He immediately asked me if I could join him for lunch.


"Uh... I wish I could. Pero kasi may lakad kami ni Valerie, e." Sabi ko at nilipat ang tingin kay Valerie. She gazed at me suspiciously before turning her head away. Nakita ko pa ang pag-irap niya! Inilingan ko na lang iyon at binalik ang atensyon sa kausap ko. 


[Okay. When are you available na lang?] He asked over the phone.


Alone in Katipunan (Onze Series #2)Where stories live. Discover now