01

742 22 33
                                    

"Road to 4th year!"


Nag-apir kaming dalawa ni Valerie bago sumakay ng elevator paglabas namin ng room. Kakatapos pa lang ng finals namin.


Ah! Parang may nawalang kung anong mabigat sa pakiramdam ko, siguro stress ng dahil sa plates at kung ano-ano pang kaganapan sa school.


"Pwede nang uminom! Walang ng plates!" Masayang sabi niya naman kaya nag-apir ulit kami.


Paglabas namin ng SDA, umiba kaagad ang pakiramdam ko. Masyado kasing mainit sa labas! Dumaan pa kami ng main campus para may ipasang document sa isang prof doon bago kami tumuloy sa hintayan ng masasakyan para pumunta ng Katipunan. Dumating naman kaagad ang bus kaya hindi kami nahirapang maghintay roon. Pagkaupo pa lang namin, dumaldal na naman si Valerie.


"Well, bukod sa pag-prepare ng portfolio at dissertation, ano plans mo ngayong summer?" Tanong niya nang makaupo kami.


"Classes siguro. Tsaka, marami pa akong CADDs!" Umirap ako.


"Oh, oo nga pala. Nakakainis, tapos na nga ang finals, summer na, pero marami pang irerender!" Kumibit-balikat lang ako sa sinabi niya.


Hindi na bago ang ganitong bakasyon dahil sa nakaraang tatlong taon ko bilang Arki student, lagi kaming busy mapa-summer man o hindi. Balita ko rin, ngayong fourth year, our thesis has to be done individually. Hindi ko alam kung kakabahan ako o matutuwa dahil ako naman lagi ang taga-buhat sa mga group thesis na 'yan.


"Where are you staying, uh.. this summer?" Valerie asked again.


"Tinanong mo na 'yan kanina, Valerie. Sirang plaka lang?"


"E, hindi mo kasi sinasagot ang tanong ko!" Tiningnan niya ako ng masama. "Okay, fine! 'Wag mo na sagutin basta you'll visit me sa house, ah!" Pinanliitan niya 'ko ng mata, which made me shrug and avoided her gaze.


Napalunok ako. Hindi ko kasi masabi sa kanya na I'm going to Bataan to visit my mom and her family. Wala lang, the last time I went there was last year. I am not close with my mom's family pero basic manner na rin siguro ang pumunta sa kanila. Ni hindi nga ako nagce-celebrate ng special holidays sa kanila. Even my birthdays!


"Tara na." Kinalabit ako ni Valerie. Tumigil na pala ang bus sa bababaan namin.


Tinawagan ni Valerie si Lorraine pagkababa namin ng bus. Kailangan pa naming puntahan si Lorraine sa Ateneo. Ewan ko ba dito kay Lorr at nagpapasundo pa! Akala mo naman ay hindi taga-rito!


"Sorry, naabala ko pa yata kayo. Anyways, nasa Regis daw sila. Let's go there." Sabi niya nang makita kami sa labas ng building nila. Para kaming naligaw na landas doon ni Valerie.


"Regis? Akala ko Barcino tayo kakain?" Nalilitong tanong ko.


"Iikot pa kasi kapag sa Barcino, so they decided na doon na lang sa Regis. Mas malapit rin kasi." Sagot ni Lorr. Tumango-tango nalang kami ni Val.

Alone in Katipunan (Onze Series #2)Where stories live. Discover now