02

514 11 35
                                    

"In fairness ha, ang gwapo niya."


Ngumisi ako pero kaagad ding napatakip sa bibig nang marealize kung ano ang nasabi ko. Muntikan ko pang mabitawan ang towel na hawak ko.


"Pero 'di ko siya type!" Umiling-iling pa 'ko at pinagpatuloy ang pagpupunas ng basa kong buhok. Walang blow dryer, 'e.


Mukha akong tangang nagseself talk dito, trying to convince myself na wala lang iyong naramdaman ko. I mean, hindi na rin naman kami magkikita for sure kaya wala namang saysay kahit na sabihin kong type ko siya. 


Kanina pa 'ko nakabalik sa hotel. Nakaligo na 'ko't lahat, hindi pa rin mawala sa isip ko 'yung eksena kanina! Bakit kasi kailangang lumapit ng gano'n?! Aabutin niya lang naman pala ang wallet ko! E 'di sana tinuro niya na lang na nahulog 'yung wallet, hindi iyong lalapit siya ng ganon!


Matagal kong tinitigan 'yung glass window na nasa harapan ko. Bukas kasi ang kurtina at nakikita ko ang sariling reflection ko. Visible pa rin ang night lights sa plaza pero nakaramdam ako ng kilabot dahil kung ano-ano na ang pumapasok sa isipan ko. Dali-dali ko tuloy na isinara ang kurtina!


After finishing drying my hair, uminom muna ako ng tubig bago humiga para matulog. Chinarge ko na rin ang cellphone ko para bukas. Babalik na 'ko ng Manila!


Hindi kaagad ako nakatulog kaya almost 10 AM na 'ko nagising. Nag-stay na lang muna ako sa hotel room ko at lumabas na lang nu'ng magla-lunch na 'ko. Dala-dala ko na rin ang duffel bag ko para magcheck-out na. Dumaan pa ako sa pamilihang bayan ng Balanga para bumili ng ilang food products ng Bataan na ako lang din naman ang kakain pagdating ko ng Manila.


Nag-jeep ulit ako pabalik ng La Katrina para kunin na 'yung sasakyan at nang makabalik na 'ko ng Manila. Sinalubong ako ni Mama na mukhang badtrip pa yata dahil nakita na naman ako.


"Si Gwen, M-ma?" Nanginig pa ang boses ko.


Tinignan niya muna ako mula ulo hanggang paa bago ibalik ang tingin sa mga mata ko. I gulped because of the awkwardness. Usually kasi ay tinatalikuran niya lang ako bago sasagot, tapos ngayon nakatingin na sa mga mata ko!


"Nasa taas, natutulog." Sagot niya bago ako talikuran.


Napailing na lang ako nang marinig iyon. Iniwan ko ang duffel bag sa may pinto at tumuloy sa taas para kunin mismo kay Gwen ang susi ng sasakyan. Kanina pagpasok ko, nakita ko na sa garahe nila 'yung puting Honda HR-V. Sasakyan iyon ni Mama noong nasa Manila pa kaming dalawa bago siya lumipat dito sa Bataan kasama ang pamilya niya.


Kumatok ako ng tatlong beses sa pinto ng kwarto niya, hindi pa rin nabubuksan. She left me with no choice kaya pinihit ko na ang doorknob para mabuksan ito. As expected, nakatapat siya sa laptop niya at nakasuot ng headphones. She was even shaking her head.


Si Gwen ay anak ng tatay niya sa una nitong asawa. Tatlong taon ang tanda ko sa kanya. First year college siya ngayon dito sa Bataan. My mother and Gwen were so fond of each other. Hindi ko alam kung bakit naging super close na sila, siguro dahil hindi ko alam ang nangyari dahil lagi naman akong nasa Manila. Parang noon, halos hindi kausapin ni Gwen si mama noong bagong kasal pa lang sila ng asawa niya ngayon.

Alone in Katipunan (Onze Series #2)Where stories live. Discover now