CHAPTER 2

1.2K 38 0
                                    

"Nyka, tara?"

"Saan naman?" kunot noong tanong niya habang nag lalatag ng pag hihigaan.

"Sa Drinking Bar."

"What? Are you serious? Ang alam ko,naaamoy mo pa lang ang alak nalalasing kana haha." pagbibiro niya.

"Hoy hindi ah!"

"Tseee! Manahimik ka, hindi kita kayang buhatin no!"

"Hindi naman tayo mag papakalasing. Sige na." ngiti ko,pilit kinukuha ang kanyang loob.

"Whatever haha, sandali at mag bibihis lang ako."

DRINKING BAR...

"Hi Nyka," bati ng bar tender, maganda itong ngumiti.

"Hey." kaway niya at sumenyas ng dalawa.

"Hoy bruha mukhang suki kana dito ah!"

Natawa lang siya at tsaka umupo sa harap.

"Hi Nyka, Janna. Nice to see you here." nagulat ako ng may tumapik sa likod ko. Nilingon ko ito. "Can we join?" at umupo sa tabi namin tsaka sumenyas sa bar tender ng dalawa.

"Oh! Lucas, Ian. Kamusta na?" bati ni Nyka.

Si Ian at Lucas ay schoolmate namin noong kolehiyo.

"Hi Janna." ngiti ni Ian sa akin.

"Hi." tipid akong ngumiti, tsaka lumaghok.

Pakiramdam ko ay nag iinit ang mukha ko. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa iniinom ko o dahil sa presensya ni Ian sa akin.

"Naaalala mo ba yung huli kong sinabi sayo?"

"Matagal na yun,kinalimutan ko na." agad kong sagot.

Tumawa siya na labas ang dimple. "Is it because of Luke, your bestfriend?"

"Hindi, dahil ang mga ganung pangako ay hindi ko na inaasahan."

"Hmm what's wrong? Have I done something wrong back then? That's why you don't believe my promises anymore?"

Umiling lang ako atsaka sunod sunod na lumaghok ng beer.

"Hey easy!" awat ni Ian. "Can we talk Janna yung tayong dalawa lang?" humarap siya sa akin tila nakikiusap.

"Okay." maikli kong sagot.

Nag paalam si Ian sa dalawa at hinila ako papunta sa bakanteng mesa.

"Janna please tell me, kung anong nagawa kong mali dati. Okay naman tayo bago tayo huling nagkita hindi ba?"

"Ian, It's been 2years ago. Pinapanindigan mo pa din ba ang pag papanggap mo sa akin?" naiinis ako sa malambing niyang pakikipag usap sa akin, na akala mo ay nakalimutan na ang ginawa nila ng mga kaybigan niya.

Pakiramdam ko ay unti unti ko ng nararamdaman ang hilo at pagka lasing.

"Hindi ko maintindihan." naguguluhan niyang sabi. "Janna." pag tawag niya pa.

Napa tungo na ko sa mesa at napapikit, hindi na kayang labanan pa ang pagka lasing. Narinig ko nalang ng lumapit sila Nyka at Lucas sa akin.

"Nyka, ako na ang bubuhat kay Janna. Ihahatid na namin kayo." alam kong boses ito ni Ian.

Secretly Falling in Love with my Best Friend |COMPLETED|Where stories live. Discover now