CHAPTER 8

1.1K 42 1
                                    

Pagsisisi nalang ang tanging nagagawa ko ngayon. Gusto ko siyang makita, gusto ko siyang puntahan sa bahay, gusto kong humingi ng tawad sa lahat ng mga katangahang ginawa ko noon. Sana pwede pa kaming bumalik sa dati.

Sinubukan kong tawagan ang numero niya pero hindi ko na siya makontak, siguro nga ay talagang kinakalimutan na niya ako.

Nag desisyon akong pumunta sa bahay nila.

Kumatok ako sa pinto at tumawag pero walang sumasagot, lumabas ako ng gate at nagtungo sa kotse.

Nagtanong ako sa isang matandang babae.

"Ah nay pwede po bang mag tanong? Nasaan po kaya yung babaeng nakatira diyan?"

"Ang alam ko hijo ay wala ng nakatira sa bahay na iyan."

"Po? Alam niyo po kaya kung saan siya lumipat?"

"Pasensya na hijo pero kakalipat ko lang din sa lugar na ito, mukhang wala ng naka tira diyan dahil wala naman akong nakikitang tao na pumapasok pa diyan."

"Ah sige po salamat po."

Pumasok ako sa kotse, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko alam kung saan kita hahanapin Janna, patawarin mo ako.

Nag punta ako ng mall, nag babaka sakaling makita siya roon. Halos libutin ko ang buong mall para lang makita siya, pero bigo nanaman akong matagpuan siya.

Sa di kalayuan ay nakita ko si Nyca kasama ang isang lalaki. Lumapit ako upang mag tanong nag babakasaling alam niya kung saan lumipat si Janna.

"Nyca?"

Napatingin siya sa akin, inis ang mababasa sa mukha niya.

"Anong kelangan mo?" Seryoso niyang tanong.

"Alam mo ba kung saan si Janna lumipat? Nag punta kasi ako-

"Bakit? Kaya mo bang puntahan kung nasaan siya ngayon?" sarkastika niyang sabi.

"Kaya nga tinatanong ko kung nasaan siya." Malumanay kong sagot.

"Hindi ko alam." Yun lang ang sinagot niya at bumaling na uli sa kasama.

"Ah sige salamat."

Malungkot akong umuwi ng bahay,bigo akong makita siya.

"Saan ka galing?" tanong ni Mom sa akin,naabutan ko siya sa may sala na naka upo at tinitignan ang larawan nila ni Janna sa cellphone.

"Mom," malungkot kong pag tawag. "Kila Janna po, kaso ay wala na siya roon sabi ng napag tanungan ko."

Tumingin siya sa akin,nakita ko kung paano mamuo ang luha niya sa mga mata.

Niyakap niya ako ng mahigpit. "Wala na siya." pag hagulgol ni Mom.

Kumalas ako at deretsong tumingin sa kaniya habang naka kunot ang noo.

"Mom?"

"Wala na siya Luke, wala na si Janna. Tatlong buwan na ang nakakalipas."

Halos bumagsak ako sa kinatatayuan ko,kasabay ng walang tigil na pag iyak at pag hagulgol, walang kasing sakit ang nararamdaman ko ng oras na ito. Sana ay nag bibiro lang si Mom sa sinabi niya, sana hindi totoo ang mga narinig ko, sana panaginip nalang ang lahat ng nangyayaring ito.

VENUS POV

Kinuwento ko sa anak ko ang mga nangyari ng araw na iyon at kung bakit ngayon ko lang na sabi ang mga ito.

Secretly Falling in Love with my Best Friend |COMPLETED|Where stories live. Discover now