CHAPTER 4

1K 31 2
                                    

Hanggang sa maka alis nalang si Luke ay hindi ko naitanong sa kanya ang tungkol sa kanila ni Princess, hindi din niya nababanggit sa akin.

Kinabukasan pumunta ako kela Tita Venus, alam kong hindi ko doon maabutan si Luke dahil ang sabi niya ay abala pa din siya sa trabaho.

Nag kwento ako kay Tita tungkol sa nararamdaman ko, halos mag sisigaw siya sa tuwa ng sabihin kong in love na ata ako sa anak niya. Sobrang hiya ang nararamdaman ko ng aminin ko ito.

"Really hija?" tuwang tuwang sabi niya hindi maka paniwala. "Alam na ba ni Luke ang nararamdaman mo para sa kanya?"

"No tita, ayoko pong sabihin please."

"Why naman? Sa tingin ko ay bagay na bagay kayo." kinikilig na ani niya.

"Tita." pakiramdam ko ay namumula ako sa sinasabi niya.

"Yiiieh namumula ka hija." parang teen ager kung mag react si tita.

Hindi ko akalaing aabot ako sa ganito, dati ang tingin ko lang kay Luke ay bestfriend na matatakbuhan sa oras ng problema hindi ko inaakala na mahuhulog ako sa kanya.

"Hija ayaw mo ba talagang sabihin iyang nararamdaman mo sa kanya?" pamimilit niya.

"Ayoko po tita."

"Gusto mo ako nalang ang mag sabi—

"Huwag tita! Ako na po, ayokong sa iba manggaling na gusto ko siya. Gusto ko ako po mismo ang mag sabi."

"How sweet." kinikilig na sabi niya.

Pero nawalan ako ng ng tyempong sabihin ang nararamdaman ko, lagi siyang abala. Araw araw na nga ako kela tita para lang maabutan siya pero hindi talaga kami mag pang abot.

Isang linggo akong ganoon, isang araw hindi ako pumunta sa kanila. Niyaya ko si Nyca na mag gala, nag punta kami sa Windmill sa may Pililla Rizal.

Nakaka relax din kasi ang hangin dito.  Mataas ang lugar kaya tanaw ang napaka daming bahay at ang laguna lake.

"Ang layo pero sulit grabe ang ganda dito. Ang lakas ng hangin."

"Pangatlong beses ko ng pumunta dito pero talagang namimiss ko ang lugar na ito."

"Bakit hindi si Luke ang inaya mo?"

"Abala siya Nyka." bigla akong nalungkot sa tanong niya.

Hindi siya sumagot at masayang pinag masdan ang tanawin. Nag lakad lakad kami.

Tumunog ang cellphone ko at nakita kong si Luke ang nag text.

From: Sungit
Bakit hindi mo sinabi sa akin na pumunta ka diyan? Ang daya! Sorry kung abala ako. Ingat ka ha bansot.

Napangiti ako, nakita ni Nyka yun.

"Uyy Inlove si gaga! Si Luke siguro ang nag text kaya naman may pangiti ngiti ka pa diyan!" pang aasar niya. Sabay umariba ng kanta.
"I pray for all your love
Boy our love is so unreal
I just wanna reach and touch you, squeeze you
Somebody pinch me
This is something like a movie
And I don't know how it ends boy
But I fell in love with my bestfriend. (I think I'm in love)."
paulit ulit niyang kinanta ang huli habang nakahawak sa dibdib at nakatingin sa akin.

Secretly Falling in Love with my Best Friend |COMPLETED|Where stories live. Discover now