Chapter 21 : Kidnapped

95.4K 3K 1.5K
                                    

THIRD PERSON'S POV

nakatayo ngayon si Lexi sa harapan ng napakaputlang si Rain. Halatang-halata sa mukha ni Rain ang panghihinang dulot ng kanyang karamdaman.

"Why would you lie to me?" lexi

biglang napangiti si Rain ngunit halata ang lungkot sa mukha niya. Nakatingin lang siya sa sahig dahil hindi niya kayang makatitig sa kanyang matalik na kaibigan.

"Leuk made me " mahinang bulong ni Rain.

napahawak nalang si Lexi sa kanyang magkabilang bewang. Agad siyang napahinga ng malalim.

"iniwan mo ako dahil kay LEUK? anong apilyedo niya EMIA? " saad ni Lexi at agad nagsimulang bumuhos ang luha niya kayat agad kinusot ang kanyang mga mata.

"Why would you lie to me? alam kong wala akong maitutulong pero kaya ko namang maging cheerleader mo. Ra...Rain... why didnt you tell me?" dagdag pang sabi ni Lexi kay Rain na kasalukuyang nakaupo lamang sa kanyang kama at hindi makapaniwala na nasa harapan niya ang kaibigan.

"I love you lex you know that right?" saad ni Rain at agad nagsimulang umiyak.

hindi na natiis ni Lexi ang nararamdaman kayat agad siyang tumabi sa kamang kinauupan at agad na niyakap ang matalik na kaibigan niya nang mahigit tatlong taon.

magkayakap silang dalawa habang umiiyak na parang mga bata.

"Bitch ka! bwisit ka! umiyak ako ng balde-baldeng luha dahil akala ko ayaw mo na talaga sa akin! Dont you ever do that again you bitch! " ibinaon nalang ni Lexi ang kanyang mukha sa braso ni Rain at nagpatuloy nalang sa paghagulgol.

"Awat na Alexis....ireserve mo nalang yang luha mo sa libing ko" pabirong saad ni Rain habang hinihimas ang likod niya.

agad iniangat ni Lexi ang kanyang mukha at humarap kay Rain.

*POK*

agad binatukan ni Lexi ng mahina si Rain habang mas lumalakas ang kanyang paghagulgol.

"Wag na wag mong sasabihin yan kung ayaw mong lakasan ko ang pagbatok sayo leche ka" Lexi

agad napa-pout si Rain at pinunasan ang luha niya.


"Bitch naman oh! ako yung may sakit! wag mokong batukan :P " Rain at agad na nagpacute

Our Deadly PactWo Geschichten leben. Entdecke jetzt