Chapter 40 : Hostage

81.3K 2.6K 1.9K
                                    

RED'S POV

Pakshet , ang tanga ko talaga.

bakit ngayon pa ako bumyahe , inantok tuloy ako bigla. Nasa parteng kakahuyan parin ako. Wala akong bahay na nakikita. Ang liblib pala ng kinaroroonan ng retreat house na yun.

kailangan hindi ako makatulog...para kay lexi din to.

muli akong napatingin sa motor ko.

pakshet! Malapit na akong maubusan ng gas! O diyos ko T_T

- -- - - - - -- - 

ROBBIE'S POV

Nyeta ilang araw na akong walang tulog.

Akyat bahay ang peg ko ngayon.

Kahapon nanggaling ako sa bwisit na bahay ni Hunter pero wala sa kanya ang journal.

kayat ngayon heto ako sa Condo unit ni Jacob.

kanina ko pa hinihintay na umalis ang mga detective na nag-iimbestiga sa unit niya. Sana hindi nila ako maunahan sa journal.

Bigla akong kinilabutan.

pakiramdam ko may nakatingin sa akin.

Simula kahapon ko pa to nararamdaman....

pakiramdam koy may sumusunod sa akin..

- - -- - - - -- - - - - - 

THEO'S POV

"Lakad" utos niya habang itinututok sa amin ang kanyang baril.

wala kaming nagawa kundi sumunod.

Nasa kanya ang baril.

isang maling galaw at sigurandong dadanak na naman ang dugo.

wala kaming nagawa 

iniangat nalang namin ang mga kamay.

Tanging tinginan lang ang nagagawa namin dahil natatakot kaming magsalita.

Pagdating namin sa sala

tanging sina Chloe , Juancho at Gio lang ang naabutan namin.

Our Deadly Pactحيث تعيش القصص. اكتشف الآن