Chapter 28 : Revelations

78.5K 2.8K 1.6K
                                    

THEO'S POV

"Gising..."

"Hoy... Gising "

Dahan-dahan akong nagising dahil may tumatapik sa pisngi ko.

Yung amoy na yun...A...amoy dugo't laman loob..

"Hey eyes on me..." 

agad akong napatingin kung sino ang nagsasalita sa harapan ko.

Laking gulat ko nang makita ko si Jacob na nakangiti. Duguan siya , marami din siyang sugat sa kanyang mukha.

Tatayo sana ako sa kinauupuan ko ngunit laking gulat ko dahil hindi ako makagalaw. Nakatali pala ako sa upuan.

"A..Anong ibig sabihin nito?! Anong nangyayari?! " Sigaw ko sa kanya

wala akong idiya kung ano na ang nangyayari.

Huli kong naalala ay yung napakaraming usok.

"Hey watch your mouth..Hindi ka dapat ganyan makipag-usap sa kapatid ng mahal mo " Jacob

kapatid?

i..ibig sabihin siya yung kapatid ni Cassidy na nahiwalay sa kanya.

"K..Kapatid mo si Cassidy? " ako

Nag-smirk lamang siya.

Yup! “ Jacob

Teka Bakit ako nakatali nasaan yung iba?

Agad akong napatingin sa paligid ko at laking gulat nang makitang katabi ko sa upuan si Hunter na walang malay , duguan at nakatali din.

“H..Hunter! “ tawag ko sa kanya

Hunter gising! “ pinilit kong galawin ang upuan para tabigin siya.

Ibig bang sabihin nito ay all this time si Jacob ang pumapatay.. Siya ang pumapatay sa mga kasali ng suicide pact?

Narinig kong tumawa si Jacob kayat agad akong humarap sa kanya.

B..bakit mo ginagawa to?” tanong ko sa kanya.

Sa totoo lang wala akong nararamdamang takot. Handa akong mamatay dahil makakasama ko naman si Cassidy at ang anak namin.

Our Deadly PactWhere stories live. Discover now