Chapter 1

1.7K 93 19
                                    

Orientation


Headmaster Everhart doesn't like to talk that much. It's been two days since the warm up training happened. I almost died but his offer yesterday suddenly changed my decision. He wants my presence here in the City of Deltha. In exchange for that, the safety and better life of my family were guaranteed.

Hindi kami nagmula sa isang mayamang pamilya. I was the one working for them, trying to earn small pennies by selling handmade jars and textiles. He sent me proofs and pictures that he will keep his promises as long as I am staying here. Sa katunayan, ilang linggo na lang mula ngayon, makakapag aral na ulit si Cosmic para makapagtapos ng elementarya.

Alam kong mahihirapan akong mangapa sa syudad na ito pero hanggang ligtas at maayos ang buhay ng pamilya ko, titiisin ko lahat ng maaaring mangyari.

"Dasha, are you done? You should make everything quick."

All those reminders from Headmistress Sonnata never ended. Hindi naman pala siya masungit. Sa katunayan, malaki ang naiitulong ng mga paalala niya. She told me that she will always visit me until I'm done adapting the new environment I had. Wala pa naman kaming kahit anong nagiging pagtatalo dahil lahat ng sinasabi niya sa akin ay sinusunod ko.

"He hates someone late," dugtong pa nito habang inaayos ang naka-braid kong buhok. 

I was wearing a green swing medieval corset dress. Hanggang ngayon, naninibago ako sa mga mamahaling klase ng damit na ipinapasuot sa akin.

Headmistress Sonnata told me to not put anything on my face. She wants it bare saying I was born naturally pretty and I don't need anything to enhance my features.

Nahihiya akong tanggapin 'yong mga papuri niya.

Today, I will be having a short orientation with President Phyrre. He used to be called as Death base sa kwento sa akin ni Garnet kahapon. He was the head of all the classes. At sa lahat ng nandirito sa syudad ng Deltha, siya iyong nagtataglay ng pinakamataas at pinakadelikadong uri ng kapangyarihan.

His touch could kill. That explains kung bakit hindi niya ako magawang tulungan at hawakan noong mahuhulog ako.

Maraming paalala sa'kin si Headmistress Sonnata habang papunta kami ng ground floor. Halos pagtinginan din ako ng iba pang high class na nandirito. Mukhang naninibago siguro sila sa presensya ko.

"Maiwan na kita dito. Marami pa akong aasikasuhin."

Sa sobrang abala ko sa paglilibot ng tingin, hindi ko na namalayan ang pag alis niya sa tabi ko. Gusto kong sumigaw para tawagin siya pero ayokong makuha ang atensyon ng iba pang nandirito. I want to run too pero mahihirapan akong gawin 'yon lalo na't ganito ang ayos ko ngayon.

Tinanaw ko na lang siya mula sa malayo hanggang sa tuluyan na siyang nawala sa presensya ko. 

Ibinalik ko ang tingin ko sa kabuuan ng paligid.

The City of Deltha was entirely different compared to the city of Ortho. Kakaunti ang tao sa syudad na ito. The head quarter was in the middle of mountains and valleys. Walang kahit anong establishimentong makikita hindi katulad sa sentro ng Ortho kung saan nagkalat ang mga pamilihan.

The whole city was quiet. Kung meron man sigurong pinag katulad ng syudad na ito sa lugar kung saan ako nakatira, iyon ay ang preskong simoy ng hangin at maaliwalas na pakiramdam sa labas.

Sinubukan kong pumikit habang iniisip na nasa tabi ko lang sina mama at Cosmic. Natigil lang ako sa ginagawa ko nang makarinig ako ng ingay ng kabayo. Nagulat ako nang walang pasabing iniwan ito ng officer sa harapan ko.

Deltha: Avenue of the EsotericWhere stories live. Discover now