✉ 39

9.6K 851 454
                                    


☀ April 5, 2016

Oups ! Cette image n'est pas conforme à nos directives de contenu. Afin de continuer la publication, veuillez la retirer ou télécharger une autre image.

☀ April 5, 2016

Richard

11:23 PM


Richard:

Nakarating ka na sa bahay nyo?

Steven:

Oo, kanina pa. Tahimik dito kasi wala si Katkat.

Richard:

Saan si Katkat?

Steven:

Summer camp

Counselor na siya doon

Richard:

Nag-upgrade na si Katkat

Nga pala, daan ka sa grocery shop bukas. Bili ka ng kape, chip in na lang pagdating sa bahay nina Kiko bukas

Steven:

Ok. May dagdag kayo?

Richard:

May tanong pala ako. 

Steven:

Ano?

Richard:

Sinong kaibigan natin ang psychopath?

April 6, 2016

12:04 AM

Richard:

Nasa inbox ko pa ang text mo

Wala naman siguro 'tong kinalaman sa nangyari kay Kiko diba?

1:30 AM

Richard:

Akala mo ba hindi ko napapansin? Para kang may tinatago

Magsabi ka nga ng totoo

Steven:

May nagsabi sa akin na psychopath daw si Celestine. Nalaman ni Kiko kaya minanmanan niya

Richard:

May kinalaman ba si Celestine?????

Steven:

March 31 ng gabi, nagsabi si Kiko na gusto raw makipagkita ni Celestine sa kanya. Hindi ko na alam anong nangyari. Tinanong ko si Celestine, at sabi niya naman nawala raw ang cellphone niya. Ni hindi siya nakikipag-usap kay Kiko.

Richard:

TANGINA BAKIT NGAYON MO LANG SINABI?????

Steven:

Walang kinalaman dito si Celestine at ayaw ko siyang madamay. She lost her phone and she's even out of town when he died. Hindi kaya ng konsensya ko kung bigla siyang mapagbintangan dahil sa akin.

Richard:

At kaya ng konsensya mo na hindi maparusahan ang gumawa non kay Kiko?

May proweba ka ba na out of town talaga si Celestine o sinabi niya lang sayo?

Steven:

Mabuting tao si Celestine

Richard:

Kung ganon patunayan niya! Makipag-cooperate siya! Kung hindi siya, edi hindi talaga siya!

Steven:

Iniisip mo bang kaya yong gawin ni Celestine? 

Richard:

Ano nga bang alam natin tungkol sa kanya?

Steven:

Kababae niyang tao! Hindi niya kayang pumatay! At kilala ko siya, hinding-hindi niya gagawin 'yon.

Richard:

Nawawala ang cellphone ni Kiko. Kung may mga text o chat ka mula sa kanya, wag na wag mong buburahin. Kaibigan natin si Kiko at mas matagal natin siyang kilala. Tandaan mo ang sinapit ni Kiko.

Steven:

Celestine's out of town. Hindi ko alam kung saan siya pumunta pero sabi niya babalik siya.

Hindi ko na rin alam paano siya kausapin pagkatapos ng mga nangyari

Richard:

Alamin natin kung ano talaga ang totoo. Para kay Kiko.

Your Girlfriend is a Psychopath!Où les histoires vivent. Découvrez maintenant