Chapter 2: Lake of Witches

394 47 0
                                    

CINDY POV

Potek ang aga namin napalaban ni Selene. Nasa Gubat palang kami, Hindi pa kami nakakapasok ng portal.

"Takte madami pa ba kayo?." Nauurat kong tanong habang nakikipaglaban sa mga dark vampire.

"Baka naman Selene. Use your black magic na." pagpaparinig ko habang patuloy parin na nakikipaglaban.

Ginawa naman yung hiling ko sa isang kumpas ng kamay niya ay lahat ng dark vampire ay naglaho ng parang bula.

Sighed. Buti naman.

"Tara na." Muli niyang isinambit ang isang spell upang makagawa ng isang portal patungong Vampiri kingdom.

Ramdam kong hinihigop kami ng isang malakas na hangin sa loob nito. Bumagsak kami sa madamong sahig, buti rin at hindi sa mabato.

Tumayo kaming dalawa at tiningnan ang buong paligid.

"Nasa Vampiri Kingdom na ba tayo?." Pagtatanong ko kay Selene. Parang kasi hindi eh.

Nasa tabi kami ng isang lawa at sa dulo rito ay may mga bahay bahay.

"Nope. nasa lugar tayo ng mga witches."

Wow. First time ko lang makapunta sa lupain ng mga mangkukulam hihihi char baka may makarinig sakin.

Nakita kong nagsimula nang maglakad si Selene kaya naman ay sumunod na lang ako sa kanya.

Habang naglalakad kami hindi maiwasan na mapatingin samin ang ibang mga witches.

"Sino kayo?." Tanong ng isang witches. I think siya ata ang namumuno dito.

Tiningnan naman siya ni Selene ng buong tapang.

"Ako si Selene at ito naman ang aking kaybigan si Cindy." turo niya. alanganin naman akong ngumiti sa kanila.

" Papunta kaming Vampiri Kingdom." Paliwanag ni Selene. Lumapit naman ang babaeng witch kay Selene tiningnan niya ito ng sobrang tingin.

"Malapit na maggabi. Kung magpapatuloy kayo baka mapahamak pa kayo." Seryosong anya ng babae. " Maari muna kayong manatili dito at bukas na magpatuloy."

Ay Mabait naman pala. Tumungo naman si Selene bilang sang ayon.

"Salamat.."

"Ako nga pala si Matilda. Ang namumuno sa lugar nato." pakilala niya.

"Maraming salamat Matilda sa pagpapatuloy sa lugar niyo." pasasalamat ko sa kanya. Hinatid naman nila kami sa pwede namin pagpahingain.

Maliliit ang mga bahay dito pero kung titingnan sa loob ay malawak at moderno ang mga kagamitan.

" Maiwan ko na muna kayo para makapagpahinga kayo. Tatawagin na lang namin kayo kapag kakain na." Lumabas na si Matilda at naiwan na lang kaming dalawa ni Selene sa loob.

SELENE POV

" Matagal na kaming nakatira dito. Simula nung nagkaroon ng gulo sa vampiri world ay napagisip isip namin na magpakalayo upang hindi na madamay." Kwento sakin ni Matilda.

"Kung ganun malayo layo pa ang lalakbayin namin ng kaybigan ko?." Tanong ni Cindy. Marahan na tumungo naman ito bilang tugon.

Pinagpatuloy ko lang ang pagkain ko habang patuloy parin na nagkwekwento si Matilda sa amin.

~~~

"Goodnight." Paalam ni Cindy saka nahumiga sa tabi ko. Ako naman ay patuloy parin na nagbabasa ng libro na bigay sakin ni Matilda. Nais kong malaman ang mga kasaysayan dito sa vampiri world.

SELENE: La Regina Dei Vampiri [COMPLETED]Where stories live. Discover now