Chapter 15: Battle Of Two Rival

172 13 0
                                    

SELENE POV

"Sana naman sis hindi kana biglang magwala." sabi ni Cindy na tumabi sa'kin. Nauna akong nagising sa kanilang lahat kaya't ako na rin ang nagluto ng umagahan.

"Depende." pabalang kong sagot.

"Sel naman." nakangusong nakatingin sa'kin siya. Hindi ko siya pinansin at kumain na lang..

"Yow, morning selene." bati ng kakalabas na si Rakes.
Ngumiti ako saka bumati pabalik. Sumunod naman na lumabas ng kwarto si Egon na kakatapos lang rin ata maligo.

"Good morning selene, cindy." nakangiting bati niya. Tumabi siya sa pwesto ni Rakes na kumakain na rin.

Nagtaka naman ako na ibinaba ko yung kutsara ko ng maalala ko si brother. "Teka, na saan pala si Khalil?" tanong ko sa kanilang tatlo. Tiningnan ko sila isa isa habang inaantay mga sagot nila.

" sa pagkakaalam ko umalis siya ng maaga kasi may mission na ibinigay sa kan'ya."

"Mission?" tingin ko kay Rakes na nasa harapan ko. Tumungo siya. "Oo, utos ng Head Mistress. Nakakapagtaka nga eh kasi hindi kami sinama sa mission." komento niya habang kumakain.

"Baka naman kasi hindi na need ng tulong niyo." sagot naman ni Cindy.

Ano kayang mission binigay kay brother.


••••

Naglalakad kami papuntang room na namin.

'ang kapal din ng mukha mo'

'Prinsesang mahina'

napakunot noo ko ng makarinig ako ng mga boses sa isa sa mga lumang classroom. Tumigil ako at nagtungo sa lugar na yun.

"Teka, saan ka pupunta, sel?" sigaw ni Cindy. Pero hindi ako sumagot dumeretso lang ako ng lakad.

Tahimik at walang tunog akong lumapit sa may pintuan, mas lalong kong narinig at malinaw yung mga salita nila.

"Ano na imani, asan na yung inuutos namin sa'yo." rinig ko. Napaangat naman yung kilay ko ng marinig ko yung pangalan ng kapatid ko.

Naging malamig yung emosyon ko at walang oras na pumasok ako sa loob. Gulat naman ang bumalatay sa mga mukha nila habang tiningnan ko ang kapatid ko na may dugo sa gilid ng labi niya.

" A-ate." naluluhang tawag niya. Lumapit ako sa kan'ya, pinunasan ko yung luha sa gilid ng mata niya.

Malamig kong nilingon yung mga kasama ni Imani sa loob.

" Ang lakas rin ng loob niyong saktan yung kapatid ko." sobrang lamig ng pagkakasabi ko. Wala naman silang imik.

"Kahit din pala dito sa Vampiri World, uso ang bully." aniya ko saka tiningnan sila isa isa.

"Hindi kami natatakot sayo!" sigaw ng isang lalaki. Napaangat yung kilay ko saka gumamit ako ng teleport papunta sa pwesto niya at sinakal siya.

"A-a-ackk..bi-bitawan m-moko!" sigaw at nagpupumiglas siya sa pagkakasakal ko.

Nakita ko sa gilid ng mata ko na lalabas yung mga kasamahan niya, kaya naman isinara ko ang pintuan at nilock yun. Nilingon ko sila at nginisian.

"Trying to escape hah?" nakangising binitawan ko yung lalaki at naglakad ako sa mga babae. Umatras naman silang natatakot sa'kin.

"So, i have one question." sambit ko habang dahan dahan naglalakad sa kanila. " and, you need to answer this or else. I'm gonna end your life." pagbabanta ko sa kanilang lahat.

SELENE: La Regina Dei Vampiri [COMPLETED]Where stories live. Discover now