Chapter 17: Something Wrong

161 9 0
                                    

CINDY POV

Gabi na pero wala parin si selene, kanina pa kami nagaalala. Na kwento na rin namin kay Khalil yung about sa nangyari kanina sa clinic pati yung laban nila ni Ethan sa gymnisum.

"Wala parin ba siya?" napalingon ako kay Khalil na kakapasok lang ng dorm.

Umiling ako " Wala pa." napabuntong hininga na lang kami. Tinulungan niya ako maghain ng pagkain sa lamesa..

Napalingon kami ng bumukas ang pinto at pumasok dun si selene na punong puno ng dugo yung damit niya. Lumapit ako agad sa kan'ya.

"What happened?" nagaalalang tanong ko sa kan'ya.

"Nothing." sagot niya.

Nilagpasan niya ako, dumeretso siya sa kwarto niya. Bago siya makapasok ng kwarto niya nagsalita si Khalil.

" Kumain ka na ba?" tanong ng kapatid niya. Nagantay ako ng sagot niya, nakayuko lang ito.

"Tapos na." binuksan niya yung pinto at pumasok na. Nagkatinginan kaming dalawa ni Khalil dahil sa kakaibang kinilos ni Selene.

"I told you, kakaiba yung kinikilos niya." wika ko saka lumapit sa kan'ya. Nakunot naman yung noo niya habang may iniisip.

" tama ka, yung damit niya puno ng dugo atsaka napansin mo rin yung gilid ng labi niya." inalala ko naman yung sinabi niya, anong meron sa labi niya. Mukhang nabasa naman ni Khalil yung nasa isip ko.

"May dugo.. May dugo yung gilid ng labi niya." aniya niya. napalaki naman yung mata ko sa sinabi niya. Nilingon ko siya.

"So, parang sinasabi mo na may ginawa siyang kakaiba?" tanong ko. Tumungo naman siya.

Ano kayang ginawa niya, wag naman sana yung iniisip ko na gagawin niya dahil napaka impossible yun.

••••••

> K I N A B U K A S A N <

Maaga akong gumising para magasikaso. Hindi ako masyadong nakatulog ng maayos dahil sa nangyari kagabi. Pagkatapos kong gawin yung morning routine ko lumabas na ako ng kwarto ko. Naabutan ko sa sala silang lahat kasama na dun si Selene na kumakain na.

"Hey, morning." bati ko. ngumiti naman at bumati naman sila pabalik except kay selene na tahimik na kumakain.

Lumapit ako sa kan'ya.

" Good morning." bati ko. Umangat yung ulo niya at tiningnan ako.

"Same." napaangat lang yung noo ko saka umupo sa tabi niya. Tahimik lang kaming kumakain, masyadong awkward yung pagitan naming dalawa.

Natapos na kami ako kumain wala talagang nagsalita. Naglalakad kaming limang papunta sa classroom namin. Napakunot noo namin ng makita namin yung mga students na nagkukumpulan sa isang tabi.

Lumapit ako ng konti para marinig yung pinaguusapan nila.

'Grabe, kawawa yung bangkay walang puso tapos ubos yung dugo niya. '

'Kaya nga eh. walang puso ata gumawa nun.'

'Sabi nila bampira din ang gumawa dahil narin may bite mark na naka ano sa leeg.'

Napaatras ako sa mga narinig ko, may pinatay? Sino naman ang gagawa nun. Lumapit ako kila Rakes na nakatingin din sa mga nagkukumpulan.

"Ano daw yun?" tanong ni Egon.

"May pinatay daw walang puso at ubos ang dugo." kwento ko. Napalaki naman mga mata nila kahit si Khalil napatingin sakin. Si Selene lang ata ang walang pake sa paligid at deretso lang ang lakad.

SELENE: La Regina Dei Vampiri [COMPLETED]Where stories live. Discover now