Silence 2: Apartment Owner

70 9 16
                                    

Silence Two

"Pagkakaaga naman ng iyong gising, anak," ani mama. Isinuot kong ang aking foot sock pati ang black shoes.

"Alas siyete ho ang eskwela dine eh!" sagot ko kay mama. "Unang araw kaya hindi maaaring pahuli huli."

I can hear the scratch noises that mama's frying ladle made with the pan.

"Nga ho pala. Nakabili na baga ng gamot para kay papa? Nakapagpadala na ho ako ng pera," sinukalayan ko ang aking basang buhok sa harap ng salamin.

"Ay oo! Ipinasuyo ko kay Clarence, pinahiram ko ang motor ng anak ng iyong kaka," sagot ni mama. "Pagbutihin mo sa unang araw anak ha!"

Tumango ako kahit na hindi naman ako nakikita ni mama.

"Opo. Papatayin ko na ho areng tawag at ako'y papasok na," paalam ko.

"Ate!" habol ni Clarence bago ko mapindot ang end call button. "Budget ha!"

"Naku! Ay wala pa ngang sweldo, ika'y nanghihingi na sa akin," umiling ako sabay halakhak. "Sige na ma, Clarence. Tatawag na laang ho uli ako mamayang gabi."

Then I reminded myself where I'm at. Cavite. Baka pa mamaya'y makapagbatangueno ako sa mga studyante ko. They'll find it weird.

Binunot ko lahat ng nakasaksak sa apartment at lumabas na.

Maginaw pa at alas sais pa lang ng umaga. Tumigil ako nang sandali sa tapat ng pinto ni sir Noah. Ngumiti ako sa sarili. Isang taon kong makakasama ang crush ko. O kung maganda ang taon na ito para sa akin, baka sa susunod na taon ay doon ulit ako magturo. Umiling ako sa sarili at nagpatuloy sa paglalakad.

Habang papalapit ang tricycle sa Southville ay nakaramdam ako ng pananalmig ng kamay. Napatulala ako sa kawalan. My focus went out of the present. I got lost in my own mind. The overwhelming yet exciting feeling.

Paano ko ipapakilala ang sarili ko? I haven't really thought about that. Mukha namang mababait ang mga studyante ko. Magagalang pa nga at bumabati noong naglista sila ng pangalan sa sheet noong student's orientation.

Will I be a likeable teacher? The most hated? Or in the middle?

Masasabi kong sa buong bakasyon na nagtutor ako ay mas nagamay ko ang paraan ng pagtuturo. Noong unang sabak ko nga'y nangangapa pa ako kung paano ko ipapaintindi sa aking tutee. Confident ako ngayon na kaya kong magpaliwanag nang maayos. Kaya lang ay isa isa lang naman ang tinuturuan ko. Paano na ngayong marami sila? Mag isa lang ako sa harapan. At lahat sila'y nakamasid lamang sa akin.

Dagdagan mo pang hindi ko lang sa isang section ang tuturuan ko.

I inhaled sharply and closed my eyes. Then released slower breaths to calm myself down.

Just think about your passion, Ysabelle. Why you've chosen to pursue this vocation in the first place. Mas dapat kang matakot na hindi matuto ang mga bata kaysa sa hiya.

Pero hindi ko pa rin talaga kaya!

"Neng. Kanina pa tayo nandito. Bababa ka ba o hindi? Mamamasada pa ako," the tricycle driver said impatiently. Ipinalibot ko ang mata sa paligid at nakita na ang mga pamilyar na tindahan, lugawan, fishballan, at food stalls sa paligid ng Southville.

"Naku! Pasensya na kuya," kumuha ako ng pera sa pitaka at ibinayad sa kanya. Bumaba na ako ng tricycle at agad na itong umalis.

My bag would suffice as a moral support. I've been gripping it tightly on the way here and even now that I arrived.

My lips are shaking as I gave the school body guard a smile.

"Good morning po," bati ko ngunit ang utak ko'y nasa aking kaba pa rin.

A Silence In The ChaosWhere stories live. Discover now