Silence 7: We're Not Friends

66 6 3
                                    

Silence Seven

Sa mga sumunod na araw ay patuloy akong ginagabayan ni sir Noah sa pagtuturo. Chinicheck niya ang aking presentation. Magdadagdag kapag pakiramdam niya'y kulang pa ang impormasyon. I would sometimes practice how I'll discuss the topic for the next day. He'd evaluate and give me advice on aspects which I need to improve on. And by aspects, I mean almost everything.

Each day, I'm trying. But it's not always successful. It's not an overnight's work, so I'm patient with myself. Kapag naman mayroong hindi naiintindihan ang mga studyante ko ay magchachat sila sa akin. And I would gladly explain it to them over chats. I find that I'm better at explaining topics trough written communication than orally.

My parents would call me occasionally, but only when they need me to send them money. Mabuti na lang at nagtututor ako. Kung hindi ay ubos na ubos na ako rito sa Dasma. I'm in no place to complain. Ito rin naman ang rason kung bakit nila ako pinag aral. Para ako naman balang araw ang magsusustento sa kanila pag matatanda na sila. 'Yan ang itinuro nila sa akin.

On other days, I would stare out the window and have breakdown episodes inside my apartment.

Pinagmamasdan ko mula sa aking teacher's table ang advisory class ko na kanya kanyang grupo ngayong lunch. Naglabas ang mga nasa fourth row ng gitara. Nasa tapat sila ng aircon at nagpapalamig habang nagjajamming ng mga nauusong kanta. Ang mga girls naman, habang nakikisabay ng kanta sa boys ay siyang nagaayusan ng buhok ng isa't isa. Hingian at hiraman ng sanriyo, salamin at suklay ang ganap sa kanila.

Langitngit ng pinto ang naparinggan ko sa may bandang kanan kaya natunton doon ang aking tingin upang makita kung sinong presensya ang naroon.

"Hello ma'am Ysabelle," kaway sa akin ni sir Allen habang may hawak hawak na tinidor.

"Ay wala na! Mambuburaot nanaman si sir," kantyaw ng mga studyante ko.

"Pulubi yata si sir, namamalimos nanaman ng pagkain. Parang hindi sumusweldo," segunda ng iba.

"Sharing is caring kaya," depensa ni sir Allen sabay ikot ng kanyang mata. "Hoy Humphrey, wag mo itago yang chicken fillet mo, nakita ko na. Pahingi ako."

Gamit ang tinidor ay tumuhog ng dalawang piraso si sir Allen.

"Ah! Grabe naman, dalawa!" reklamo ni Humphrey.

"Salamat," hagikhik ni sir Allen. Nag ikot siya sa buong room na parang buffet table ang bawat arm chair ng studyante. Ang ibang studyante ay nagkaroon ng parehong reaksyon kay Humphrey, habang ang ilan ay kusang nagbigay ng mga ulam nila.

But when sir Allen reached Ara Valiente's spot, he stopped momentarily. Maybe he felt shy to take food from the student, so he walked pass her.

I don't know whether I'm seeing things, but I saw a millisecond of disappointment in her eyes before she masked it with her usual poker face.

Nang dumaan sa harap ko si sir Allen ay inilingan ko siya sa kanyang ginagawa. Lumobo ang kanyang pisngi dahil punong puno ng pagkain.

"Kumain ka na, ma'am Ysabelle?" tanong niya.

"Yieeeee!!" kantyaw ng mga studyante ko. "Hala! Sir Allen at Ma'am Ysabelle layag!"

Pinanlakihan ko sila ng mata. "Class!"

"Gusto niyo bumagsak sa Math niyo?" babala ni si Allen.

"Anong Math sir? Eh science ka namin," kunot noong tanong ni Ralph. "Si sir Noah kaya Math namin."

"Kaya nga!" sagot ni sir Allen.

Napatakip sa bibig ang mga girls. They shrieked.

"Bet ba ni sir Noah si ma'am?" usisa ni Lauren sabay tanggal ng sanriyo na nakaipit sa labi niya dahil nagbbraids siya ng buhok ni Sarah.

A Silence In The ChaosWhere stories live. Discover now