Silence 13: Label

68 8 1
                                    

Silence Thirteen

Iginala ni Noah ang kanyang mata sa aming paligid, habang ako nama'y nakamasid lamang sa aking mga paang halinhinang nagpapaunahan sa isa't isa.

Napapikit ako nang mariin. Hindi ito ang naisip kong magiging unang date ko. Pero date nga ba ito? Baka naman nag aassume lang ako. Ang sabi niya lang naman ay pwede kong tawaging date ngunit hindi naman niya kinumpirma na date nga ito.

And it's really quiet. People who are on a date should be talking and getting to know each other, right?

But strangely, even the silence between us weren't awkward silences. It felt normal and comfortable. I could just walk silently beside him and not want to leave.

Akala ko'y gagamitin namin ang kanyang kotse dahil akala ko nama'y kung saan niya ako dadalahin. We only went for a walk going to Langkaan 2. Tingin ko'y daan ito papuntang humayao. Mapuno rito't tahimik. Wala gaanong sasakyan na dumaraan. Isa isa lamang o kaya nama'y tricycle lamang na sinasakyan ng mga tao pauwi sa kanilang bahay. Para kang naglalakad sa probinsya. Yun nga lang ay sementado na ang daan dito habang sa probinsya ay malupa pa rin.

"I'm sorry that this is not what you were expecting," Noah finally spoke.

Nag angat ako ng tingin sa kanya sa namimilog na mata.

"H-huh?" aligaga kong sambit, natatakot na baka akalain niyang hindi ako marunong makuntento. "Hindi naman ako nag eexpect ng kahit ano.."

Mukhang mali yata ang pagkakasabi ko!

"I-I mean a-ayos na ako na magk-kasama..." hindi ako makatingin sa kanya. "Tayo..."

Nag init ang aking pisngi dahil sa kakapalan ng mukha kong magdeklara ng ganoon. I sound too forward and eager.

"Ang ibig kong sabihin..." natigilan ako sa sasabihin dahil nahuli ko ang pag angat ng labi ni Noah.

"I'm glad that you're happy with my presence," ngisi niya.

Bubuksan ko sana ang bibig upang magprotesta ngunit nagtaas siya ng kilay, inaabangan na salungatin ko ang sinabi niya. Isinara kong muli ang aking bibig at hindi na nagsalita.

Dahil mapuno ay malakas ang hangin. Sa lakas ng hangin ay nililipad na nito ang aking buhok. Humaharang na rin sa aking mukha. Pilit kong hinahawi ito dahil para nitong pinipitik ang mukha ko kaya sumasakit.

Suminghap ako nang biglang hawakan ni Noah ang aking kamay. Tinignan ko kung ano ang kanyang gagawin. Kinuha niya ang pangtali ko sa buhok na nakalagay sa aking palapulsuhan.

"Turn around," he said softly.

Kinagat ko ang aking labi habang tumatalikod sa kanya. Dahan dahan ko itong ginawa habang nahaharumentado ang puso ko. And when the back of my neck felt the light touch of his hand, it gave me chills that I almost flinched.

He used his fingers to comb my hair. Nang matapos ay sinikop niya na ang aking buhok upang matalian.

He split my hair in half and tuggd them on the opposite directions to tighten the tie of my hair.

"There..." aniya.

Humarap akong muli sa kanya at ngumiti.

"Thank you," hindi pa rin kalmado ang aking sistema dahil sa kanyang ginawa. It's not really something grand, but it made me feel a lot of things.

"You look beautiful," the side of his lip rose.

Sinimangutan ko siya, itinatago ang aking hiya.

"Akala mo naman sobra sobrang transformation. Nagtali lang naman ng buhok," nakanguso kong sagot sa kanya.

"Abutin natin ang palay ng humayao. Let's watch the sunrise," pag aaya niya.

A Silence In The ChaosWhere stories live. Discover now