Chapter 6: Unsafe

1.3K 119 29
                                    

Unsafe






After dressing my wounds, I had eaten the food that Law left for me. Nakatanggap naman ako ng mga tingin mula sa mga kasama ko lalo na kay Kate dahil sa suot kong panlalaki na damit.

Sa haba nito ay malapit ng hindi makita ang suot kong shorts sa ilalim. Naiilang man ay binalewala ko nalang ang mga tingin nila. After having my breakfast, kinuha ko ang mga pinaghubarang damit ni Law para labhan rin ito. I decided to take a nap after washing our clothes.

I can hear their muffled voices as I slowly fell into a deep sleep.

I didn't know for how long was I sleeping in Pierce's bed but when I opened my eyes, I can see his bare back in front of the cabinet. Nang mapansin ko na parang haharap sya ay mabilis kong ipinikit ang mga mata ko at narinig ko naman syang pumasok sa banyo. I gulped and bit my lower lip. Maybe he'll take a shower.

Tingin ko ay hindi na ako makakabalik sa pagtulog at nakuntento na rin naman ako sa naging pagtulog ko kaya nagpasya nalang akong bumangon na. I don't want Pierce to see me already awake in his bed kaya mabilis akong bumangon at lumabas. I found most of them peaking in the window. Luke, Drew, Timo, Law and Kiana. Habang ang iba naman sa kanila ay nakaupo sa sahig. Si Lory ay nakaupo sa mismong pinto. She looks anxious and stressed. Imbes na makikisilip rin ako ay nagpasya akong puntahan muna ang kaibigan ko.

"What's wrong, Lory?" Mahinang tanong ko sa kanya.

"I'm just tired... and scared. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Iniisip ko kasi kung hanggang kailan tayo magiging ligtas. Is there anyone who'll come to rescue us or anything? Pero hindi naman kasi nila alam na buhay pa tayo or nandito tayo ngayon." Naluluha nyang sabi.

Lory has been my friend for three years now. On our first year in college, we are not in the same circle of friends pero naging magkaibigan kami dahil kina Kiana at Luke then Drew joined us.

"We're on the same page, Lory. But I know everything will be better someday. Ang importante ay magkakasama tayo ngayon."

"I wish I am as brave and strong as you, Zori. Bakit ba kasi ang hina ko." Her tears fell and she wiped it away. "I'm scared na baka mamatay na talaga ako pag lumabas pa tayo. Hindi ko nga inexpect na makakarating ako ng buhay dito kahapon."

Naaawa ako para sa kanya. Dahil ngayon, nararamdaman at nakikita ko talaga sa kanya na nanghihina sya. Siguro ngayon lang nag sink in sa kanya ang lahat ng nangyari.

"Lory, natatakot rin ako. Pero hindi kasi pwedeng magpadala ako sa takot ko. I have my brother with me. Ayokong mawala sya sa akin kaya kailangan kong magpakatatag at lumaban sa mga halimaw sa labas. I understand that you are scared dahil sino ba naman ang hindi matatakot sa sitwasyon natin ngayon. But you can't lose hope, Lory." I uttered emotionally, hindi ko mapigilan ang sarili kong umiyak.

"Thank you, Zori." She sniffed and pulled me into a quick hug. "Wait, is there going on between you and Pierce?" She asked as she pointed the shirt that I'm wearing.

Mabilis naman akong umiling. "I'm supposed to borrow Aki's clothes pero wala na daw syang extra kaya kay Pierce nalang ako nanghiram."

Her lips formed into an 'O' as she nodded her head.

Tumayo na ako at nagpasyang puntahan ang iba na nasa may bintana nang biglang makarinig ako ng putok at kasunod nito ay ang pagkabasag ng maliit na bahagi ng salamin ng bintana. Napamura ako, lumakas ang tibok ng puso ko nang makita ang ngayo'y butas ng kumot na ipinangtakip nila sa bintana. The people peaking are now frozen in their spot.

"What was that?!" Timo grumbled but I silenced him off and took my gun out.

Hawak ang baril ko sa dalawang kamay ay sinenyasan ko silang dumapa at sumunod naman sila at gumapang palayo sa may bintana. I don't think the glass of the window will give up any minute now kaya sumilip ako sa gilid. Aside from the infected roaming around, I can't see any signs of living outside. Tinignan ko ang mga kasamahan ko kung may natamaan ba sa kanila pero nakita ko ang butas sa may dingding. Posibleng ligaw na bala lang ito. Pero hindi ko alam kung saan ito galing, all I know is that we are not safe here in the city. Dahil sa nakikita ko sa labas, marami pa ring infected ang pagala-gala maliban sa mga katawan na nagkalat sa daan. Some of the bodies are already decaying and it releases a very foul smell just like the infected who are walking jerkily with their pallid skin covered with veins. They are a nightmare to me.

The Beginning of The EndWhere stories live. Discover now