Chapter 17: The Unexpected

1.3K 94 55
                                    

The unexpected









I don't know what happened but we lost signal again. Kagabi ay naghintay kami na makatanggap ng text or tawag galing kina Mama at Daddy pero wala kaming nakuha.

"Ano kayang nangyari, Ate?" Tanong ni Law habang nakatingin sa kawalan.

Hinila ko sya palayo sa kung saan bumaba ang tatlo kanina. I pulled him down to the floor to sit.

"Hindi ko rin alam Law. But at least we know that they are alive. We can still hope that we can talk to them through our radios." I gave him a reassuring smile.

I heard him sigh and pull out his gun. Kinapa ko rin ang mga bags namin at chineck kung kumpleto pa ba. Ang wala lang doon ay ang mga pagkain na dala namin noon. Syempre, matagal na naming naubos ang mga iyon.

I saw Kiana walking towards us kaya isinara ko na ang mga bags namin.

"Zori, kumain muna kayo ni Law. Ito nalang ang natira mula sa mga pagkain natin pero mas mabuti nalang 'to kesa walang laman ang tiyan n'yo." Aniya at iniabot sa akin ang pork and beans in can.

She took a seat in front of us. Mas lalong umingay ang tiyan ko at sigurado akong narinig ito ni Kiana dahil natawa siya.

"Thank you, Kian." I chuckled.

"No, thank you Zori. Kayo naman ang kumuha ng mga iyan last time. Nagtabi lang ako mula sa mga nakuha n'yo." She uttered.

Hindi na ako nagdalawang isip na buksan ito. Nang tignan ko ang kapatid ko ay may hawak na siyang disposable spoon kaya pinauna ko na muna sya. Ang hirap pala kung ganito. Paano nalang ang susunod pang mga araw.

"Teka, kayo? Nakakain na rin ba?" I asked at sinilip ang iba naming mga kasama.

Lory, Timo and Anthony are still watching the alley. Si Lory naman ay kung saan-saan napupunta dahil siguro'y sinusundan nya ng tingin sina Pierce. Halatang-halata na nag-aalala sya para kay Pierce.

"Oo, I left something for them too. Kaunti lang but it's better than nothing." Ani Kiana. "Iwan ko muna kayo. Enjoy your little food. Damihan nyo nalang ang iinumin n'yong tubig."

Hindi ko maiwasang matawa sa sinabi ni Kiana. Pero tama naman sya sa suhestyon nya. She stood up and wave goodbye.

"Ate, here." Si Law at ibinigay sa akin ang natitirang pork and beans sa lata.

"Eat more Law, tirhan mo lang ako ng dalawang kutsara."

I know kung gaano kalakas kumain si Lawrence. No, not just Law. Karamihan sa mga lalaki ay malalakas kumain.

"Okay na ako, Ate. Sige na."

"Okay, last nalang. Sige na, Law." Pamimilit ko.

Ngumuso sya bago sinunod ang gusto ko. I smiled and brush his hair with my fingers. Hindi ko alam pero pakiramdam ko'y mas nagiging close pa kami ng kapatid ko dahil sa sitwasyon namin ngayon. He mostly obeys me now unlike before.

"Thank you." I uttered.

It's been an hour already and most of them are getting uneasy lalo na't unti-unti ng sumasakit ang balat namin dahil sa init ng araw. Gusto ni Timo na tawagan sila gamit ang radio pero baka makasagabal o makasira ito sa sitwasyon nila ngayon. Lahat kami ay kabado at nag aalala para sa kanila.

Nang dumungaw ako kanina ay nakita kong may dalawang infected na nandoon sa alley. Hindi rin ako nagtagal doon dahil mas lalo akong kinakabahan.

"Ugh. What's taking them so long?" Si Kate, nagsisimula na siyang magreklamo.

The Beginning of The EndDove le storie prendono vita. Scoprilo ora