Chapter 10: Dangerous

1.1K 96 81
                                    

Dangerous









"Ate, okay ka lang?" Napalingon ako dahil sa naging tanong ni Lawrence.

We are currently boiling water para maerefill namin sa mga lalagyan namin ng tubig. Hindi ko pala napansin na napuno na ang water bottle na nilalagyan ko kaya umapaw na ito.

"Oo, okay lang Law." I gave him a smile. Kumuha ako ng bimpo at pinunasan ang tubig sa mesa.

"Kanina pa kita napapansin. What's on your mind?" Aniya bago sumandal sa mesa at ipinagkrus ang magkabilang braso sa dibdib.

I'm still thinking if I should tell Lawrence about it. Hindi kami natapos sa pag-uusap ni Pierce tungkol doon dahil nagising sina Anthony at Drew. As of now, naguguluhan ako sa kung ano ang dapat kong gawin.

"I'm just thinking if... it's already the right time for us to go."

Agad na nagbago ang timpla ng mukha ni Law dahil sa sinabi ko. Actually, wala pa talaga akong plano na aalis. I haven't even found a car yet. Kita ko ang lungkot sa mukha ni Lawrence dahil doon.

"And?"

"I'll give it a deep thought. Sasama ako mamaya sa paghahanap ng makakain natin." I said to change the topic.

Magsasalita pa sana si Law pero may tumawag sa akin.

"Zori."

I turned around to see it was Millie, behind her was Kate. Guess her wound is healing well now that she's giving me her bitchy face again, ang aga pa. Galing pala sila sa baba para maghanap ng mga bagay na mapapakinabangan.

"What is it, Millie?"

She's folding her fingers like she has something to say pero hindi nya agad masabi. Binitawan ko na muna ang pitsel na hawak ko para makaharap ko siya ng maayos.

"I think hindi ko nasabi sa iyo ang tungkol dito but... I live around here. G-Gusto ko sanang pumunta sa amin. I... just wanna check if buhay pa sina Mama at ang mga kapatid ko."

Hindi ako agad nakasagot dahil sa sinabi ni Millie.

"Millie..."

"She won't be out for long. I'm sure you can accompany her, right?" Ani Kate.

"That's too dangerous, Millie. Hindi ako—"

"Come on, Zori... You always do what you want and got the boys on your back. What Millie is asking is nothing compared to yours. Help her naman." Unti-unti ng tumaas ang boses ni Kate at halatang naiirita siya sa akin.

"It was not just my decision, Kate... Better ask the others especially Pierce kung gusto nyo talaga. I can't just decide for this, Millie. Hindi natin alam ang—"

"Okay lang, Zori..." Mahinang sabi ni Millie.

"Why don't you help us with this? Total ikaw naman sa ating lahat ang parang linta kung makadikit kina Pierce." Hindi ko inasahan ang sinabi ni Kate.

I clenched my teeth to suppress my anger. How can she say that?! Gusto ko syang patulan pero ayokong mag-away pa kami lalo. I've known her for a long time at ganito talaga ang ugali nya. Hindi na dapat ako magtaka pa.

"Don't accuse me of something, Kate. Kung gusto nyo talaga, kayo kumausap sa kanila. I can accompany you Millie if they would allow it." I uttered.

"Ate..." Pagsingit ni Law kaya nilingon ko sya.

Hindi pa nga kami nakakalabas ay halata na sa mukha ng kapatid ko ang pag-aalala.

"It's okay, Law. We'll be fine. Kailangan natin ng makakain. Hindi natin alam kung hanggang kailan tayo dito." I assured him.

The Beginning of The EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon