EWTUG 11

1.9K 61 9
                                    

CHAPTER 11

☞︎︎︎ꕥ☜︎︎︎

KINABUKASAN ay tumungo akong Allday's Café. Sabado ngayon and it's my working day, maaga akong nagising upang mag gayak.


Upang makapag handa nadin ng makakain ni Zayn. Hindi lang iyon ang dahilan ko kung bakit maaga akong gumising sakatunayan ay iniiwasan ko sya ngayon, kilala nyo naman siguro kung sino yung taong iniiwasan ko.


Hindi dahil may sama ng loob ako sa kanya ay iniiwasan ko na s'ya. Hindi ko lang ito kayang harapin o makita manlang dahil mas lalo lang naninikip ang aking dibdib. Mas bumabalik yung mga eksena kagabi sa tuwing nakikita ko ito.


I have no right to feel this kind of feeling pero hindi ko talaga ito maiiwasan dahil kahit anong pigil ko at pang aalo sa aking sarili na dapat hindi ako nasasaktan kasi wala namang kami.


Parents lang ang nag desisyon sa amin kaya kami naririto pero di ko hawak ang puso nito.


Aaminin ko I feel so jealous when I see Zayn taking care that girl like he always does to me. Parang isang matalim na punyal ang tumarak sa aking puso nang makita kung gaano ito ka maalaga hindi lang sa akin.


Iniisip ko palang na talagang nasa ugali na ni Zayn ang pagiging maalaga kahit hindi naman halata sa itsura nito yung pagiging caring nya. Sino ba naman ang mag aakalang sa unang tingin mo palang sa kanya ay mahahalataan mo na kaagad na cold at masungit ito, plus na rin yung mga tattoo nito sa braso hanggang leeg.


Akala ko saakin lang ang matatawag na special treatment o baka nag oover think lang talaga ako sa mga inaakto nito sa akin. Sadyang ako lang siguro yung nagbibigay sa kanya ng malisya pero yung totoo ay hindi naman pala.

Bakit kasi ang bilis kung magpaniwala sa mga pinapakita nito sa akin.


Kaya nung magising ako ay naggayak na kaagad ako dahil ayaw ko itong makita at baka magpumilit pa itong ihatid ako. At ako naman si tanga ay bibigyan na naman ito ng malisya.


Nagkakanda ugaga pa ako kanina para lang mabilisan yung paghahanda ko ng makakain nito at ng baon ko.


Inayos ko ang aking salamin ng makita ng may papasok na customer, nagpalinga linga pa ito tula may hinahanap na kung sino.


Nang makalapit ito sa pwesto ko ay saka ko lang ito namukhaan. Ako kasi yung naka distino ngayon bilang cashier kaya ako nagaasikaso sa mga mag titake out at mag intertain kung anong gusto nitong orderin.


Nang mqmukhaan ko ito ay parang bulati akong hindi mapakali sa kinalalagyan. Hindi ko alam kung anong dapat kung gawin ngayon, yung plano kung hindi dapat itong pansinin boung magdamag ay baka mabaliw ala ko lang... Ay ang rupok ko talaga!


Saglit lang na kumawala sa aking mukha ang pagpapanik at parang isang estranghero ko itong nginitian. Tipikal na gawain ko kapag bumabati o sasalubungin ang mga customers na makakasalamuha ko.


Nahihimigang tiningnan ako ni Zayn pero kalaunan ay nginitian din ako.


"What's your order, sir." Magalang na tanong ko dito.


Nagtataka naman ako nitong tiningnan at parang hindi makapaniwala na tinawag ko itong Sir.


Sino ba naman ang hindi magtataka, sa tuwing pumupunta ito dito para magkapi o mag meryenda ay tinatawag ko ito sa kanyang pangalan.


Nakita ko kung paano nagsalubong ang kanyang mga kilay bagamat sa huli ay napa buntong hininga nalang.


Bagsak ang kanyang balikat na tiningnan ako nitong muli.
"Are you still mad at me?"


Engage With the Unknown Guy (FIANCÉ SERIES 01)Where stories live. Discover now