EWTUG 20

1.5K 50 8
                                    

CHAPTER 20

☞︎︎︎ꕥ☜︎︎︎

TUMAWAG SI ATE AIZA sa akin upang ipaalam na sa baba nalang kami magkita kita. Kaya ngayon ay papunta na kami roon ni Zayn.


Zayn was holding my hand, nagulat ako nung una pero pinagsawalang bahala ko nalang iyon. Ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi dahil sa paghahawak kamay naming dalawa.


Naiilang din ako dahil sa mga babaeng ang sama ng tingin sa akin kulang nalang ay irapan nila ako.


Haysss, ang hirap naman kasing maki level kay Zayn. Tahimik lang kaming dalawa sa elevator, kanina pa itong kasama kong hindi naiimik kaya hindi nalang din ako nagsasalita.


“Kayong dalawa, bat ang tahimik nyo?” Nagtatakang tanong ni Ate aiza ng nakaupo kami sa restaurant na kung saan daw kami magkita kita.


“Ahmm wala lang po ate Aiza.” Anito ko.


Pansin ko ang pagtatanong sa kanilang mga itsura.


Tumukhim si Kuya Chris upang mabawasan ang tensyon sa aming lamisa.“Mabuti pa umorder na lang tayo.” Suwesyon nito.


“Mabuti pa nga.” Ate Aiza said.


Tinawag na nila ang waiter na agad namang tumungo sa aming inuupuan.


Nagmakapili at mai bigay na nila iyong mga pagkain na kanilang inorder ay nagsimula na silang magkulitan. Kaming dalawa nalang ni Zayn ang nahuli upang umorder din.


“Masarap daw yung beef steak rito Heather, try mo... Yun din inorder ko, e.” Sadyesyon ni Grace sa akin.


Agad naman akong na excite room kaya napatabgo ako at ready na sanang sabihin iyon sa waiter ng pigilan ako ni Zayn.


Nagtataka ng tumingin ako sa kanya. Ano namang problema nito.


“No, makakasama sa kanya ang puro karne. Nasabi ko na rin sa waiter yung pagkaing kakainin so don't worry.” Wika ni Zayn. Itong katabi kung si Grace ay nakabusangot na dahil di manlang ito nagtagumpay sa gusto nya. “That's all, you can leave now” Zayn coldly said to waiter.


Napaka walang modo talaga nitong lalaking toh, ako tuloy yung naaawa sa waiter.


“Grabe yung tingin ng Waiter sayo Heather, halatang may gusto sayo, e.” Sabi ni Ate Aiza na may panunukso sa kanyang boses.


Gulat akong napatingin sa kanya. “Huh?” takang sabi ko dito.

Engage With the Unknown Guy (FIANCÉ SERIES 01)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant