EWTUG 24

1.5K 46 2
                                    

CHAPTER 24

☞︎︎︎ꕥ☜︎︎︎

“Mukhang nagkakasiyahan tayo rito ah.” Kumunot ang aking noo dahil sa taong nagsalita.

May lahi ba itong kabuti. Kung saan saan nalang kasi nagsusulpot, e.

“Do we know you” Sarcatikong tanong ni Grace rito.

“I'm Mr. Luciano business partner... Just call me Xyrell, one of his friend.” Ngising pahayag nito sa amin.

Tsk! Proud ka na nyan?! Gusto ko sanang sabihin kaso baka sabihin nila nagseselos ako. Well di naman diba?! Diba?!

Naiinis na ako sa babaeng toh. Sarap kalbuhin. Hehe! Biro lang naman pero totoo :-/

“Bakit ka mag isang gumagala rito, Tara shot!.” Aya ni Axel kay Zyrell.

“Nakakahiya naman pero di ko yan tatanggihan.” Ngiting sagot nito.

Si Axel naman ay parang nanalo sa lotto sa subrang saya nito. Tumayo pa ito at inalalayan si Zyrell.

Ngunit tumanggi ang babae at winaksi ang kamay nitong nakakapit sa kanyang kamay.

Ngumiti ito kay Zayn sa paraan na maaakit ka.

Buti na ngalang at parang wala lang sa presinsya ni Zayn si Zyrell.
Patuloy lang kasi ito sa paglaklak ng alak habang hawak ang aking kamay.

I see how Zyrell glared at me. Nag tungo ang tingin nito sa aming kamay na magkahawak.


Binaliwala ko lang iyon at mas tinuonan ng pansin ang aking mga kaibigan na nagiinuman.

Nakisali na din ni Zyrell sa kanila na parang ang tagal na nilang mag kakilala. Habang ako'y juice lang ang iniinom. Di ako pinayagan ni Zayn kaya narito ako at sinusubaybayan ang bawat lagok nito sa iniinom nitong alak.

Natatawa nalang ako sa tuwing gusto ni Max at kuya Chris na pigilan ang kanilang kasintahan na hindi uminom pero dahil sa mga under ang mga ito sa kanilang jowa ay napapakamot at hampas nalng sila sa kanilang ulo. Mukhang problema do ang mga ito dahil wala man lang silang magawa upang pigilan sila sa pag inom.

Habang ang dalawa ay tawang tawa na nakikita sa ganoong mga eksprisyon ang kanilang mga jowa.

Hayyy nako talaga kahit kailan mga pasaway.

Natigilan ako ng biglang may kumalabit sa akin. Na pagtingin ako rito. Nakabusangot ito habang kinakalabit ako.

Napataas ang aking kilay. “Bakit Axel?” Tanong ko rito.

Natuod ako sa aking kinauupuan ng unting unti nitong ilapit ang kanyang mukha sa akin.

Naramdaman ko ang pag-angal ng taong nasa tabi ko. Napatigil din ang aming nga kasama sa biglaang akto ni Axel.

“A-ano kas---” Di nito na tapos ang sasabihin ng may maskukadong kamay ang tumulak ng kanyang mukha.

Natumba si Axel mula sa kinatatayuan nito. Mukhang lasing na ito dahil hindi man lang nito na kayang ibalanse ang kanyang katawan patayo.

Inis na tumingin ito kay Zayn.
“Ang damot mo naman pre, bubulong lang  eh.” Reklamo nito.

Hinawakan ko nalang sa kamay si Zayn upang pakalmahin. Ang ugat nito sa braso ay lumalabas na dahil sa galit siguro nitong pilit na pinipigilan.

Engage With the Unknown Guy (FIANCÉ SERIES 01)Where stories live. Discover now