Prologue

25 2 4
                                    


For me, my dreams are just like playing guitar, it'll took so long to achieve what you want to achive. At first it's hard, but when you do your best and have a long patience, then it'll work, progress is real, kumbaga. Progress, progress, progress, and soon you'll be able to get what you want just like your favorite song that you want to play. You'll need hardwork and patience. And once it's done, you'll be happy as you wish, at makikita mong nagtagumpay ka, balang araw babalikan mo lahat nang pinaghirapan mo at sasabihing "I did it!".

You wanna know my story before I achieve my dreams? The hardwork I've done? Come on here, I'll read you a story.

Adiós, mi amor.
by : Nicszxey

Characters :
Ploy Chermarn as Christina Aromdee
A. K. A. Kaela Theeravat
Claudine Craig as Jilliana Lee
A. K. A. Jiah Thongkam

CHRISTINA'S POV

Sabi nila, walang imposible kung gusto mo ang isang bagay at kung maniniwala kang maaabot mo 'to, so libre lang din naman sigurong mangarap na magiging artista ako? Simula bata pa lang ako 'yan na ang pangarap ko , ngayong 14 na ako, ito pa rin talaga. Wala pa ring nagbabago, pag aartista pa rin ang gusto ko. Hindi dahil sa pagiging sikat kung 'di dahil gusto kong maging kaibigan ang mga artista, 'di naman masama, 'diba? hehe.

Pero, bago ko siguro 'yan matupad ay kailangan ko munang mag-aral nang mag-aral. 14 pa lang naman kasi ako, alam kong may tamang oras para maabot ko ang pangarap ko.

I'm at 8th grade now. I have a lot of friends, pero alam mo? Feel ko hindi talaga sila totoo saakin, kaya I choose to left them out of nowhere. I know what I'm doing, I'm just avoiding toxic people.

"Christina! Get ready na, it's already 7 in the morning, you need to go to school, your class is 7:40!" Rinig kong sigaw ni Mama, I remember I have class. Maliligo pa ako, oo kakagising ko lang. Paano ba naman, masyado akong naaliw sa binabasa kong kuwento, binigyan kasi ako ni Ate ng libro. I'm running out of time, agad akong naligo at bumaba para kumain.

First day namin ngayon and as usual, si Mama ang maghahatid sa'kin sa school gamit ang motor niya. Minsan naisip ko rin, ang cool sigurong magpatakbo ng motor?

Nang makarating ako sa school ay 8:00 na, Kaklase ko ulit ang nag iisa kong kaibigan na si Danica, kaya naman excited na excited at tuwang-tuwa ako. Siya lang kasi ang totoo sa'kin. Andiyan siya kapag malungkot ako, o kahit wala siyang kailanga'y kinakausap niya pa rin ako. Palagi siyang nasa tabi ko kapag walang-wala ako, sa mura kong edad nakakaranas na rin ako ng matinding kalungkutan, totoo nga talagang walang pinipiling edad ang kalungkutan, kasi kahit ang isang 3 years old ay nalulungkot din naman, 'diba?

'Pag nasa school ako ang ginagawa ko lamang ay, nakikinig sa klase, recess, magbabasa sa library, at 'pag tapos no'n ay uuwi na rin agad ako, hindi kami sabay nauwi ni Danica dahil mas nauuna siyang umuwi kaysa sa'kin, 'yon ang nakasanayan kong gawin simula noong Grade 6 ako hanggang grade 7

Not until nakilala ko si Jilliana...

JILLIANA'S POV

I'm getting ready for school, it's my first day sa bagong school na papasukan ko, yes I'm transferee. Grade 8 na'ko. And, hinihiling ko na sana sa bago ko nanamang lilipatan na school ay may maging kaibigan ako, mahiyain kasi ako. Hindi ko kakausapin ang isang tao kung 'di rin nila ako kakausapin, kumbaga hindi ako sanay na nag f-first move.

Naalala ko nga noon, binubully na ako pero I still keep my mouth shut, kahit alam kong sinasaktan na nila ang damdamin ko. Sinabi nila na isa raw akong dayuhan. My parents are foreigner, galing sila sa America. So, wala akong duong Pilipino. Hindi ako Pilipino, kaya naman hirap na hirap akong mag tagalog at mag adjust sa buhay sistema nila rito sa Pilipinas. Pa'no ba naman, pumunta kami rito sa Pilipinas noong 10 years old ako, nasanay pa naman akong English ang lengguwahe. Pero since Fil/Eng ang language ng Philippines ay maari rin akong gumamit ng wikang Ingles dito dahil alam kong maiintindihan naman nila 'to, pero my mom said that I should practice speaking Tagalog. Well wala naman akong choice kung 'di sundin sila.

Adiós, mi amor.Where stories live. Discover now