Chapter 4 - Curiousity

10 1 0
                                    

"Teh, kilala mo na ba crush ni Jilliana?" Bungad na tanong sa akin ni Iya, sabay-sabay kasi kaming pumapasok sa school, pero ngayon kami palang dalawa ni Gia, kaya hinihintay namin sila Jilliana at Danica.

"Ha? may crush siya? sino? bakit 'di niya nabanggit sa akin?" Takang tanong ko.

"Ay wow, curious?" Pag aasar naman nito.

"I'm just worried, baka masaktan lang siya sakaniya, 'noh!"

"Crush pa lang naman niya, tiyaka, eh ano naman kung masaktan, part 'yan ng pag mamahal, beh! Nasasaktan tayo para matuto," Mahabang sagot niya naman.

Sasagot na sana ako nang biglang dumating si Danica at Jilliana at mukhang may pinag uusapan pa.

"Oh, andiyan na pala sila, eh!" Tapik sa akin ni Iya, wala talagang ibang magawa 'to kung hindi mang hampas, kapag tatawa mang hahampas, kapag natatakot mang hahampas, kapag malungkot mang hahampas, nakakaloka!

"Hello, good morning!" Bati ko kila Danica.

"Punta kaya muna tayong cafeteria?" Saad ni Iya.

"It's already late, Iya. We should go to our classrooms na," Pag pigil ko sakaniya, baka mapagalitan pa kami ng unang subject teacher.

"Kj!" Tanging saad ni Iya, inikutan pa ako ng mata.

Nang makarating sa room ay nakita namin nila Danica na marami na ring estudyante sa loob, pumasok na rin kami, at gano'n din si Iya pumasok na rin siya sa room nila.

"Nakagawa kayong assignments?" Tanong naman ni Danica.

"Ha? bakit 'di ka ba nakagawa?" Matik na kapag mag tatanong siya ibig sabihin hindi siya nakagawa.

"Hehe, sorry, may pinuntahan kasi kami kagabi, eh sa sobrang pagod nakalimutan ko na gawin," Pagpapaliwanag naman niya.

"Here, copy my assignment," Biglang saad ni Jilliana.

"Thank you!"

Nag start na rin ang klase namin, ako naman, nakatuon ang atensiyon kay Jilliana, paano ba naman, nagtataka talaga ako kung sinong crush na 'yung sinasabi ni Iya sa'kin.

Once talaga na mag lunch kakausapin ko si Jilliana, yun nga lang nag overtime 'tong unang teacher namin. Sure ball na late na rin kaming mag lunch.

11:30 am

'Di pa rin tapos mag lesson 'tong last teacher namin, 11:20 talaga ang lunch namin, tapos babalik kami ng 12nn.

Mukhang mamaya pa kami rito, ah, wala bang magpapaalala sa teacher namin na time na at nagugutom na kami.

"Sir?" Nag taas ng kamay si Ericka.

"Yes?"

"It's already 11:38 am, our lunch is 11:20 am, and I think you better discuss that lesson tomorrow nalang po?" Owwwww, saan siya kumukuha ng lakas ng loob??

This girl, lakas ng loob niya.

"Oh yes, I see. Buti I need to discuss this because I'm not here tomorrow that's why I'm giving  y'all a group work. May groups naman na kayo, 'diba? Ibibigay ko sa mga leader niyo ang gagawin, performance 'to at the same time may papers na ipapasa sa akin ang bawat isa sainyo, para malaman ko kung natuto ba kayo sa nagawang performance niyo as a group, also Ms. Aromdee, you're assign tomorrow, ibibigay ko sa'yo ang mga kailangan niyong gawin ng mga kaklase mo, para naman may gawin kayo habang wala ako," Pagpapaliwanag ng teacher namin, shocks ang daming gagawin, may class pa mamayang hapon sigurado akong may group works din na gagawin, mabuti nalang at nakiki-cooperate 'tong mga ka group mates ko, ako kasi ang leader kaya sure na marami akong aasikasuhin.

Finally, lunch na. Mukhang 'di ko makakausap ngayon si Jilliana, busy kaming lahat ngayon at nagmamadali kumain dahil malapit na ang next subject namin, at isa pa hindi rin puwede mamayang hapon dahil nga leader din siya, magkaibang group kami, si Danica naman ay leader din, mukhang busy kaming magkakaibigan ngayong linggo, ewan ko lang kay Iya, pero sure na marami rin siyang gagawin dahil nga parehas lang naman kami ng subject teacher, tiyaka isa pa alam kong gagawin din nila kung anong gagawin namin.

Nag ring na ang bell, sign na kailangan na pumasok sa school dahil start na ulit ng klase.

Lumipas na ang ilang oras, ito na ang last subject namin, mukhang marami ring ipagagawa dahil wala rin daw siya bukas, ito pa naman ang hate kong subject..

"Performance task in Filipino, gagawa kayong movie, may 5 groups kayo, group one is Romance, group 2 is action, group 3 tragedy, group 4 comedy, group 5 horror, make sure na maayos iyan at hindi mukhang gawa ng kinder!" Masungit na saad ni ma'am.

Uwian na at nag meeting muna kami, sabi ko mag paalam muna sila sa parents or guardians nila at baka hanapin sila, doon kasi kami sa bahay namin mag p-practice.

"Tumabi ka nga!" Rinig ko nanamang sigaw ni Ericka mula sa likuran ko.

"Nako, Ericka. Wrong timing ka, next time ka nalang mag papansin sa akin, okay? Wala akong oras sa'yo ngayon, eh, I promise next time papansinin na kita para 'di ka mag papansin sa akin,"
Inirapan ko naman siya.

Wala naman talaga akong oras sakaniya, ano dadagdag pa siya sa mga poproblemahin ko.

Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya at umalis na kami, sabi saakin ng mga kagrupo ko ay pinayagan naman daw silang lahat.

Umalis na kami sa school, nang makarating na kami sa bahay ay nag simula na kami kaagad pinag planuhan namin yung film na gagawin namin, pagkatapos ay ginawa na muna namin yung performance at papers na gagawin. Hindi rin namin 'to matatapos kaagad kaya sabi ko ay bukas magpaalam ulit sila para icocontinue namin 'tong performance. Next week nalang kami sa movie dahil medyo malayo pa naman ang deadline pag planuhan muna namin para maayos ang maging flow ng story.

At about kay Jilliana, siguro'y next time ko nalang siya kakausapin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 21, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Adiós, mi amor.Where stories live. Discover now