Chapter 1 - Red paper

15 1 0
                                    


Ngayon ang pangalawang araw namin sa school, excited nga ako dahil gusto ko na ulit makita sila Jilliana at Danica. Tsaka sinabi ni ma'am na ngayong araw ang magiging election namin for class officers.
Wala naman talaga akong pakielam sa class officers na 'yan, dahil sa totoo lang hindi naman ako naging parte niyan, boto lamang ako nang boto, nasanay na akong gano'n, mahiyain din naman kasi ako kaya walang naniniwala na kaya kong pasunurin at pamahalaan ang klase namin.

Nagmadali na akong lumabas ng kuwarto
ko, naligo na ako at kumain. Nagulat nga si mama dahil hindi naman daw ako ganito kasaya o kasigla tuwing papasok akong school, kaya nakakapanibago naman daw.

Agad na akong nakarating sa room, agad namang bumungad saakin si Danica at Jilliana na parang masayang-masaya na makita ako, nginitian nila akong dalawa. Agad naman akong pumasok sa room at umupo.

Wala pa naman si ma'am, kaya lumapit ako kay Jilliana, malayo ang upuan namin sa isa't - isa, buti nalang at wala pa naman si ma'am. Medyo maaga pa rin naman kasi.

"Psst! Jilliana!" Tumabi ako sakaniya, at nakita ko siyang may sinusulat.

"Ano 'yang sinusulat mo?" Na-curious ako bigla, para kasing nae-enjoy niya ang pagsusulat nito, baka naman something special ang sinusulat niya, imposible namang ngumiti siya habang nag susulat ng notes? Ako kasi naiistress.

"Good morning, I'm writing a poem," Nginitian niya ako.

"Puwede patingin?"

"Sorry, I'm not that confident. I feel that it's not that pretty and meaningful. Next time, I think?" Pagpapaliwanag niya.

"Nako, okay lang naman. I hope next time mababasa ko na 'yan," Saad ko sakaniya.

"Are you into poems? I really love writing. This express my feelings,"

"I'm not, but....I want to read some. 'Di ako mahilig sa ganiyan, but if ikaw naman ang sumulat handa akong basahin," Nginitian ko siya, hindi ko alam na writer pala siya.

"Wait, here," Inabot niya sa'kin ang isang papel.

"It's poem that I wrote a months ago. You wanna read? I actually feel that this one is good, so... Read it if you want," Nahihiya niyang pagpapaliwanag.

Nang tignan ko ang papel, hindi mo aakalaing months ago na 'to dahil napakalinis at walang gusot-gusot. Gano'n nalang siguro kaingat sa gamit 'tong si Jilliana.

Binasa ko na ito agad.

" Hindi nila nakikita,
kung paano ko nakikita
ang maganda mong mga mata.

Kumikinang-kinang,
na parang mga butuin sa kalangitan.

Oh magaganda mong mga ngiti,
pati kahoy ay mababali.

Tuwing ika'y tinititigan,
parang akong nakararamdam ng kakaibang kasiyahan,
ako'y pabayaan,
na ika'y pagmasdan.
Dahil ang 'yong ganda,
ay mahihahalintulad ko sa buwan.

Sapat na akong makita kang masaya,
ginamitan mo siguro ako ng mahika,
kaya naman ang puso ko'y hinahabol-habol at hinahanap-hanap  ka.

Kay hirap sabihin na mahal kita,
pero giliw,
ikaw ang paksa sa aking mga tula."

W-wow! Kamangha-mangha. Hindi lang maganda ang tulang ginawa niya, kung 'di pati ang sulat kamay niya. Napaka linis at ganda. A idea occupied my mind, dahil mamaya na ang botohan para sa officers, ino-nominate ko siya as secretary, why not?

"This is masterpiece! You're so good!"

"Thankyou, by the way... Ma'am is already here, let's continue our conversation later," Saad nito at tinignan si ma'am na papasok na sa room.

Adiós, mi amor.Where stories live. Discover now