Chapter 2 - Four

24 1 1
                                    

Lumipas na rin ang ilang araw simula noong una kaming nagkita ni Jilliana. Araw-araw ay sabay-sabay kaming kumakain, lumalabas kapag uwian at bibili ng street foods. Nakasanayan na naming gawin 'yon, kung minsan nga ay gagawin na namin agad ang homework namin sabay-sabay. Kadalasan sa library namin 'yon ginagawa. Madalas din kaming nasa library kapag free time, nagbabasa lahit  kung ano-ano na.

Napansin ko ring kahit sa iba ay nakikihalobilo na rin si Jilliana, 'di kagaya noong first day of school na talaga ako lamang ang tinitignan at kinakausap niya.

Naging maayos din naman ang pagiging class president ko sa school, wala naman akong naging problema 'pag dating sa mga kaklase ko dahil nasunod sila saakin, dati kasi ay hindi kaya nakapagtataka.

"Tabi nga!" Napaupo ako dahil binunggo ako ni Ericka.

Tumayo ako at inayos ang damit ko, anong ginawa ko sakaniya? Eh, siya nga ang nakaharang sa daan.

"Sa susunod, huwag kang haharang sa daan. Alikabok!" Inirapan niya ako tiyaka umalis. Agad naman akong nilapitan ng isang babae.

"You okay?" Tinignan niya ang gusot-gusot kong damit, nakakahiya tuloy.

"Nako, okay lang ako!" Sabi ko dahil nahihiya ako.

"I don't like that girl, she's so fvcking ugly, not beautiful as you," Napa-awang ang bibig ko dahil sa sinabi niya. Si Ericka? Ugly? Nako, eh halos lahat na ata nagkagusto sakaniya. Pati nga 'yong crush ko dati, eh!

"No, I'm the one who's ugly. But thankyou for your compliment," Mapait ko siyang nginitian, baka naman kakampi 'to ni Ericka, kakaibiganin ako tapos sa dulo sasaktan din ako at ipapahiya.

"No, you're not ugly. Don't you believe your self? She's not genius as you!" Nginitian niya ako, she's cheering me up.

"Why are you saying that? And why are you doing this?" Tinanong ko siya dahil curious na curious na ako.

"Oh, andiyan na pala sila!" Ha? sinong sila? Niloloko ba ako nito?

Nagulat ako dahil nakita ko si Jilliana at Danica na papalapit saamin, sila Yanna at Danica ba tinutukoy nitong babae?

"Hello, Jilliana and Danica!" Saad nitong babae.

"Hello," Sabay na bati nila Danica.

"Wait, kilala mo sila?" Gulat kong sabi.

"Ah, yes! Kaya kita nakilala dahil palagi ka nilang kinukuwento sa'kin, sabi pa nga nila napaka bait mo raw, totoo pala talaga, gusto ko lang sana makipagkaibigan, pinakilala kasi ni Danica sa'kin si Jilliana, tapos si Jilliana naman pinakilala ka sa'kin,"

"Wow, that's great! But, pa'no mo naman nalaman na ako si Christina?" Nagtataka talaga ako.

"Si Jilliana, may pinakita siyang picture sa'kin, stolen shot of yours," Napatingin naman ako kay Jilliana, stolen shot?

"Hehe, you're so pretty kasi, eh," Nahihiyang saad ni Jilliana.

"So, I'm Chandria Cruz. You can call me Iya if you want, I'm grade 8 student too, actually mag katabi lang ang room nating apat. Section 1 right?" So, section 2 pala siya?

"Yes, section 2?" Tanong ko.

"Yup! Nice to meet you!" Niyakap niya ako. Niyakap niya ako? Kakakilala pa lang namin, ah? But, magaan ang loob ko sakaniya. Para siyang si Danica, madaldal at energetic pero napaka friendly and kind.

"Nice too meet you too!" Niyakap ko siya pabalik. Minsan lang 'tong ganito, susulitin ko na.

Bumalik na rin kami sa room dahil tapos na ang lunch, lunch kanina kaya naman nagkaroon ng pagkakataon si Ericka na banggain at ipahiya ako. Ano kayang problema no'n sa'kin?

Hanggang sa natapos na ang klase namin, at as expected kakain ulit kami, this time yayain ko naman sila uminom ng shake. 

"Bili tayong shake!" Saad ko sakanilang tatlo, kasama namin si Iya ngayon. Why not?

Agad naman kaming pumunta sa bilihan ng shake, katabi ng bilihan ng kwek-kwek. Pero dahil tipid kami ngayon, shake na lang muna.

Umupo kami sa upuan. At agad namang nagsalita si Iya.

"Minsan na rin akong inaway ni Ericka, why? Kasi noong may performance para sa school, kaming dalawa ang napagpilian, at luckily, napili ako. Para kasi 'yon sa sayaw, ayaw niya nalang tanggapin na mas magaling ako sakaniya!" Pag ra-rant ni Iya.

"Teka, inaway ka ni Erickipay?" Teka, Erickipay? Gago.

"Oo, teh. Inaway siya ni Erickangkong. Siraulo 'yon, eh. Masyadong insecure kay Christina!" Erickangkong? I can't, omg!

Hindi ko napigilang matawa, "Bakit ka natawa? Eh, inaway ka nga!" Saad ni Danica. "Did the both of you just called Ericka as Erickangkong and Erickipay?" Gano'n na ba ang galit nila kay Ericka?

"Pero seryoso, sinaktan ka ba niya?" Napatingin ako dahil nagsalita si Jilliana.

"'Di naman niya ako sinaktan, binunggo lang," Pag papaliwanag ko. 'Di naman talaga ako nasaktan, baka kapag ako ang tumulak kay Ericka ay umabot siya hanggang Mars, kidding.

"Mag-ingat ka sa susunod, iwasan mo siya," Madiin na saad ni Jilliana, na parang galit.

"Okay po, ma'am Jilliana!" Pag bibiro ko.

"Kapag inaway ka ulit no'n, sasapakin ko 'yon, gagawin kong punching bag!" Galit na saad ni Danica. May tinatago talagang kulit 'tong si Danica, eh. Same vibes sila ni Iya.
At ito naman si Jilliana masyadong seryoso sa buhay.

Inubos na namin ang shake na iniinom namin.

"Teka nga, bago ko pa makalimutan. Pansin ko lang na 'di tayo friends sa facebook!" Saad ni Danica. Dami talagang alam nitong si Danica, hindi ko naman laging ginagamit ang facebook ko.  Twitter ang madalas kong gamitin, para sa mga katangahan ko sa buhay.

"Oo nga, ano name niyo sa facebook?" Tanong naman ni Iya at inilabas ang cellphone.

Inilabas din ni Jilliana ang cellphone niya at nag hihintay ng sasabihin namin.

"Mine is Chandria Honey Cruz, huwag kayong mag balak na tawagin ako sa second name ko, okay?" Saad ni Iya.

Inilabas ko ang cellphone ko at inadd siya sa facebook. Inaccept niya rin ito kaagad.

"Mine is Danica Vertudez," Saad naman ni Danica inadd ko na rin siya at inaccept niya ako.

"Sasabihin ko pa ba? Eh, inadd ko na kayo kaya alam niyo na," Saad ko sakanila. Si Jilliana nalang ang hinihintay kong mag sabi.

"Jilliana Lee, na-add ko na kayong lahat, except sa'yo, Christina," Saad ni Jilliana.

"Oh, mine is Christina Aromdee. Wala namang nagbago," Saad ko, nakita kong nag notif ang cellphone ko, inadd ako ni Jilliana, inaccept ko na rin naman ito kaagad.

"Chat niyo sa'kin mobile number niyo, do'n tayo mag text," Saad naman ni Danica.
Tumango naman kami.

Nagpaalam na si Danica dahil baka gabihin siya sa pag-uwi. Si Iya naman ay kasabay pala ni Danica, kaya naman pala magkasundong magkasundo silang dalawa. Si Jilliana naman ay sinundo na ng mama niya.

Ang 'di ko lang talaga maintindihan ay kung bakit kailangan pa ako ganonin ni Ericka, wala naman akong ginagawang masama, 'diba? Tama si Jilliana, dapat hindi ko nalang siya pansinin, dahil kung pinag tuunan ko pa siya ng pansin ay lalo siyang magpapapansin.

Speaking of Jilliana, naalala ko naman bigla 'yong stolen shot, 'di ko na napigilang mag post sa twitter. Wala namang makakakita dahil naka private naman ito.

 Wala namang makakakita dahil naka private naman ito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Adiós, mi amor.Where stories live. Discover now