06

7 0 0
                                    


"Shan!"



Muntik na. Isusubo ko na sana kaso nabitin dahil sa sigaw na 'yon. Kunot-noo ko nilingon ang may ari ng boses na 'yon dahil subrang nakakasilaw ang sikat ng araw.



"Oh?" Taka kong tanong at tinuloy ang nabitin kong pagkain.



"Nakita mo ba siya kanina?" Masigla niyang tanong at niyugyog ako. Mabuti nalang nilunok ko agad ang kinain ko, kong hindi baka mabuwal ko sa harap ni Zendee sa subrang lakas ng yugyog niya na pati ang utak napayogyog sa kanya. Parang alkansiya kong maka yugyog sa'kin.



Taka ko siyang tinagnan, "Ha... sino?"



Anong pinagsasabi niya? Ay...!



"Si Aike ba?"



Pinapalo- palo niya ang balikat ko at sabay tango. Ako naman ay parang binubudburan ng asin sa subrang kilig. Gumanti rin ako ng palo sa kanya saka tumawa. Para kaming tanga na tawa ng tawa hindi ko alam kong dahil ba sa kilig o trip lang namin.



Tumawa na rin ang mga kasama namin at umiiling sa mga ginagawa namin.



"Alam mo ba... may bago na akong crush?" Crush ko pa naman 'yung guitarist pero...ay basta!




"Si Ike?" Tanong niya.



Umiiling ako, "Hindi. May nakita ako kanina... hindi siya masyadong maputi pero seryoso 'yung mukha niya, te!" Wika ko.




Tumaas 'yung kilay niya. "Akala ko ba si Ike?"



"Who's that Ike, ba?" Maarteng tanong ni Chill sa likod ko.



"Ay, aba malay ko ba sa engkantong, Ike na 'yan." Mahinang sagot ni Danny sa likod.



Maka engkanto ang babae na'to, oh!



"Hoy, kuya ko 'yun, uy."



Napailing nalang ako sa sinabi ni Maye. "Hindi ko 'yun seneryoso, no! Dahil malabo. Kaya doon ako sa kasama niya." I winked at her and smirked at her .



"Hello, Shan." Bati nila Christine at Elyn sa'kin. Kaklase ko sila noon sa elementary. Noong grade 4 kasi ako, sa section 1ako nilagay dahil top 1 ako noong grade 3, kaya naging kaklase ko sila. Noong grde 4 lang ako nalagay sa section 1 at ayaw ko na maulit pa'yon.



Kahit nahihiya man ako ay binati ko rin sila at nginitian.



"Hala, shit! Papunta sila dito!"



Na alarma ako sa mahinang sigaw ni Maye at pati na rin sina Zendee na alarma. Nilingon ko sila maye at may ngininguso sila sa harap namin.



Ay, ang palaka bumalintong!



Napaawang ang labi ko at lumaki 'yong mga mata ko na... ang mga ateneo ay papunta sa gawi ko, no...namin. Ngayon na papalapit sila ay  narinig ko na ang maingay ng grupo nila. Shwit, ang ga-gwapo nila! Mga matatangkad sila, maputi at may itsura na umabot sa punto na ang hirap pumili sa kanila. Sa tindig pa lang nila at itsura nila, halatang mga mayayaman talaga.  Ano kayang pangalan nung hindi masyadong maputi dahil nakaka-attract talaga siya. Number nalang at pati load para hindi sayang ang number mo.



Ini-isa- isa ko silang tinignan at nahanap ko na rin 'yung hinahanap ko. Habang naglalakad at nagkinig sa mga pinagsasabi ng mga kasama niya ay ang seryoso pa rin ng mukha. Ano ba ang pangalan mo, uy?



Tell me why?Where stories live. Discover now