09

5 0 0
                                    

___

"Ahh! Nakakahiya!" Inis kong sigaw  at saka sinasampal ang pisnge ko sa kilabot.




Hindi ko na tinuloy ang pag backread sa mga convo namin ni Gelo. Nakaka cringe! Nakakasuka at nakakadiri! Hindi ako makapaniwala na nag confess ako sa kanya na crush ko siya. Ako ba'to? Ako ba talaga ang nag type nito at nag send? Ganito ba ako kabaliw sa kanya noon!




'Hello, Gelo gusto ko sana sabihin sayo na crush kita. Hindi ko alam kong kailan 'to nagsimula, basta noong narinig ko ang boses mo  parang doon yata nagsimula ang lahat. Alam ko na medyo feeling close ako dito sa chat. Basta crush kita hehehe.'




Jusmeyo!




Hindi ko napigilan ang sarili ko at agad ko dinelet ang mga convo namin. Nakakasuka kang bata ka! Hindi kinaya ng ego ko na...nag confess ako sa kanya?! Tinawanan pa nga ako ng mga kaibigan ko..dahil ang tapang ko raw para mag confess sa kanya. Actually 'di ko to plinano at hindi ko alam kong ano ang nag udyok sa'kin na mag online nong time na 'yon at mag chat sa kanya nang ganong salita.




Ano ba ang pumasok sa isip ko at ginawa ko 'yon?! Kinabahan pa nga ako ng time na 'yon at ngayon na binabasa ko ulit.. mas gusto ko pang maging invisible sa paningin ng lahat, no sa kanya!




Kinahiya ko na talaga ang sarili ko. Sarap ipokpok 'tong ulo ko hanggang sa ma reboot ang lahat ng mga ala-ala sa mga  katangaan kong ginawa sa buhay ko! Bakit ko ba kasi ginawa 'yun, uy! Nababaliw ka na ba Shan at bakit ko pa ba binasa 'to!  Ang tanga ko rin talaga kahit kailan! 'Di ko talaga makakalimutan 'yong araw na pagkatapos ko 'yon sinabi sa kanya, kinabukasan ay nagkita kami doon sa classroom namin at subrang titig niya sa'kin. Doon ko rin naisip ang katangahan kong ginawa.




Nag back ako at nag out sa messenger. Nag youtube nalang ako para mawala na 'yung hiyang naramdaman ko. Parang gusto ko manuod ng mukbang.  Habang nanoonod ako ng mukbang ay palunok-lunok ako ng laway nang kumain ang isang koreana ng mga pagkain sa Korean.



Ang sarap!



Sana makuha ko sa loob nv cellphone ko ang mga kinain niya. Nakakatakam. Nakakaingit.




Gutom na gutom ako. Gusto ko ng ganon, gaya sa kinain niya. Gusto kong maiyak sa gutom na nararamdaman ko. Naiingit ako sa mga tao na anong gusto mong bilhin ay mabibili mo agad. Ako, nag-iisip pa kong paano bilhin at saan ako kukuha na pera hanggang sa imagine nalang ako. Ang hirap talaga. Kailan ba ako yayaman, hanggang sa maubos ang mga pera sa pilipinas?




Hindi ako inaantok at mas lalong kumalam ang tiyan ko sa gutom. 'Yong ate at kuya ko ay mahimbing na natutulog at heto, ako nakatanga at ano-ano ang pumasok sa isip ko. Pinilit kong makatulog dahil ayaw kong maabutan ng alas dose at baka paggising ko sa umaga ay may pimple na naman mag bubulaga sa'kin bukas.




Tumagilid ako at pumikit pero ayaw parin. Ang tahimik at ang dilim. Kahit na may kunting liwanang dahil sa buwan ay madilim parin at ang tahimik. Isang kaluskos lang ay maririnig agad. 'Di ko namalayan na may luhang tumulo sa pisnge ko. 'Ito ang ayaw ko. Na parang nag-iisa nalang ako at naiwan sa ere. Hinahayaan ko nalang dumaloy ang mga luha ko sa pisnge at hanggang sa mabagsak sa unan na hinigaan ko. Nagpigil ako na hindi mapahikbi ng malakas baka magising ko sila.




Ang sikip sa dibdib at parang may dumaloy rin na masakit para mas lalong sumikip at bumigat ang dibdib ko. Hindi ko alam kong anong nangyayari sa'kin basta malungkot ako. 'Yon ang naramdaman ko ngayon at walang may pakialam sa'kin. Huminga ako ng malalim dahil may nakabara sa ilong ko. Nahirapan ako sa paghinga.




Tell me why?Where stories live. Discover now