12

6 0 0
                                    

_____

Napahinto ako ng bigla siyang nagsalita. Hindi ko alam kong ako ba ang kinausap niya dahil nakatalikod ako sa kanya pero sa pagkakaalam ko ay kami lang dalawa ang nandito. Boses pa lang niya ay 'yong puso ko ay para ng nagkarera sa subrang lakas tibok nito at subrang napakalakas ng tunog nito na parang lalabas na ito mula sa loob ko. Huminga ako ng malalim at umayos ng tayo nang marinig ko ang tunog ng kanyang sapatos.  Napalunok ako at napahawak sa tapat ng dibdib ko dahil mas lalo itong bumilis at lumalakas habang naglalakad siya na may tunog ng kanyang sapatos. Para akong nililitis sa subrang kaba na may dalang takot ang nararamdaman ko ngayon. Nakapako lang ang mga paa ko sa tinatayuan ko ngayon na  parang nawalan ako ng lakas na makalakad dahil sa presensya niya.



Hindi ko alam kong anong gagawin ko kong tatakbo ba ako o haharapin siya. Gosh! Natataranta na ako na mukhang malapit na siya sakin at mas lalo akong hindi mapakali sa kinatatayuan ko. Hindi ako makakaisip ng tama kong anong dapat kong gawin ngayon. Nanginginig ang mga paa ko at gusto ko ng tumakbo palayo sa kanya pero ayaw sumunod ng mga paa ko.



"Hmm."



"Ay, jusko po!" hiyaw ko sa gulat.  May dumaloy na kakaibang kuryente mula sa tainga ko papunta sa buo kong katawan nang maramdaman ko sa tapat ng tainga at sa pisnge ko ang mainit niyang hininga. Tumalikod ako at hinarap siya. Nanlaki ang mga mata ko na isang dangkal ng daliri ang layo namin at mukhang wala lang sa kanya na ganito kami kalapit. Hindi ko napansin na nasa likod ko na agad siya ng ganon kabilis.



Inatras ko ang mukha ko palayo sa kanya ng nilapit niya pa ang mukha niya sa'kin. Umawang ang labi ko na hindi ko akalain  gawin niya ito at matignan ko ng malapit ang mukha niya.  Tinignan ko ng maigi ang mga mata niya na baka may makikita ako na emotion, gaya sa Wattpad na binabasa ko pero wala akong nakikita kundi 'yung kulay brown niyang mata na may mukha ko lang na parang nagsasalamin lang ako sa mata niya.



Lahat ng mga mata natin ay magkapareho lamang pero bakit nagagandahan ako sa mga mata niya. Wala naman akong nakikitang emotion sa mga mata niya  pero 'yung mga mata niya ay parang sinuyod ang buong pagkatao ko at 'di ko alam kong anong klaseng lakas na loob ang meron ako ngayon para salubungin ang kanyang mga mata na ganito kakapit. Iba ang dating ng kanyang mga mata sa'kin dahil naramdaman ko na nanghihina ang mga paa ko sa binigay niyang tingin sa'kin dahilan para makakapit ako sa malapad niyang dibdib.



Pinagmasdan ko ang buo niyang mukha at napatanga ako na masilayan ko ang buo niyang mukha ng malapitan. Maputi ang kanyang mukha at wala akong nakikita na mga pimples, blackhead, whiteheads, o ano pa yan na meron ako  sa mukha niya kundi ang makinis lang niyang mukha. Halatang alagang-alaga talaga. Maalaga rin naman ako pero wala parin.  Makapal ang kilay niya dahilan kung bakit mukha siyang masungit tignan na mas lalong nagpapagwapo sa kanya. Ang medyo  singkit niyang mata na kulay brown ay subrang ganda at  may mataas at makurba na pilok. Ang kulay brown niyang mata ay nababagay sa matangos at sa manipis niya ilong. Bumaba ang mga mata ko sa mapupula niyang labi at langhap ko rin ang mabango niyang hininga na amoy mentol.




Napakurap-kurap ako sa harap niya, wala man lang expression ang mukha niya. Naging blanko buo kong utak at wala na ako naririnig sa paligid ko kundi ang napakalakas ng tibok ng puso ko at mukhang naririnig niya rin ang tunog nito. 'Yong dibdib ko ay subrang bilis na pati ang utak ko parang tumitibok na rin sa subrang lakas. Wala akong ibang nararamdaman ngayon kundi ang puso ko na nababaliw at randam ko ang pamamawis ng noo ko.



Ngayong malapit na siya sa'kin ay langhap ko na ang mabango niya perfume na nakakaadik sa ilong. Tama nga na hindi ka makakaisip ng matino at parang wala ka ng paki sa paligid mo kung kapag kaharap mo na ang crush mo dahil sa puso mismo na nagwawala, hindi mo alam ang uunahin sa sitwasyong. Binalik ko sa mga mata niya ang paningin ko.




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 13, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Tell me why?Where stories live. Discover now