24

27 5 0
                                    

Kian

Natigil ang pag-tipa ko sa cellphone nang marinig ko ang malakas na tawag sa'kin ni mama. "Bakit ma?"

"Sabi ko bumili ka muna sa grocery! Dalian mo at bibisita dito ang si suen!" Sigaw nitong muli galing sa kusina. Tumayo ako at umakyat sa taas para mag-bihis.

Habang nagbibihis ay Hindi pa Rin nawawala ang pag-aalalang nararamdaman ko para may vuen. Ang Sabi niya sa'kin ay nagkasagutan sila ng kaniyang Ina at alam Kong naka-apekgo yun sakaniya.

Nang matapos ako mag-bihis ay kinuha ko Kay mama ang listahan ng bibilhin at ang pera Kay mama. Iniwan ko din ang cellphone mo dahil baka ma-snatch, mahirap na.

Tumawid ako nang kalsada ngunit narinig ko ang isang malakas na busina. Natulala akong nakatingin sa truck paparating, Di alam ang gagawin. Malakas ang andar nito. May mga sigaw akong naririnig na, "Hijo, tumabi ka diyan!"

Naramdaman ko ang malakas na pwersa sa likod ko dahilan para tumalipon ako at makaligtas sa Pag salpok sa truck. May tumulak sa'kin. May nagligtas sa'kin.

"Ayos ka lang?" Tanong sa'kin ng isang Babae sa tingin ko ay mas matanda pa sa'kin. Tumango ako at tumayo. Nakita ko ang nagkukumpulan na tao sa tumigil na truck.

Lumapit ako saka nakisiksik. Dugo. May mga nagkalat na dugo sa kalsada, may isang Babae na Di na makilala dahil sa itsura nito. Nakaawang ang aking labi at hindi makapaniwala sa nakita.

"Niligtas ka noong matandang babae pero kapalit noon at ang buhay niya. Imbis na Ikaw Ang mabangga ng truck ay Siya." Natahimik ako sa sinabi ng lalaking nasa tabi ko. Tinapik Niya ang balikat ko at umalis.

Naiwan akong nakatulala. Hindi matanggap na may namatay nang dahil sa'kin.

---

T^T

classmate, chatmate (virtual heartbeat #9) [COMPLETED]Where stories live. Discover now