29

26 3 0
                                    

Kian

Inayos ko ang suot na itim na polo. Pupunta kami sa libing ng mama ni vuen at hindi ko maiwasang kabahan at sisihin ang sarili sa nangyare.

"Anak, Kian. Tara na." Pag-tawag sa'kin ni mama na nakasuot ng itim na bestida. Tumango ako at sumunod sakaniya palabas ng bahay.

Si mama ang nag-drive at habang  nasa biyahe kami ay Hindi ako mapakali. Alam Kong magagalit si vuen sa'kin sa oras na malaman Niya ang Totoo.

I'm very scared that she will distance herself from me. She will hate me.

Kaunti pa lang ang tao ng makarating kami sa sementeryong paglilibingan ng mama ni vuen. Agad na hinanap ng aking mata si vuen. Nakasuot din ito ng itim na bestida, namamaga ang mga mata at maputla. Medyo nangayayat din Siya.

"Hija..." Lumapit kami sa pinaroroonan Niya. Agad niyang pinunasan ang luhang tumulo sa pisngi Niya bago makipag beso Kay mama.

"Hello po, ma'am daisy." pagbati nito, tipid ako nitong nginitian ng mapatingin Siya sa'kin.

"Condolence, hija." Tinanguan Niya lang si mama. "Nag-papasalamat din ako sa mama mo, Siya ang dahilan kung bakit naligtas ang anak ko sa Pag Bangga sa truck. Kung Hindi dahil sakaniya, patay na ngayon ang anak ko kaya talagang nagpapasalamat ako ng marami.

"May mabuting puso ang mama mo at niligtas Niya ang anak ko kahit alam niyang buhay Niya ang kapalit kaya maraming salamat at pasensya na, hija." Her lips parted slightly. Napatingin Siya sa'kin gamit ang Hindi makapaniwalang tingin.

classmate, chatmate (virtual heartbeat #9) [COMPLETED]Where stories live. Discover now