Wakas

70 5 0
                                    

Seven years later

Vuende

Napahawak ako sa sentido at isinandal ang likod sa swivel chair na inuupuan. Sa wakas makakapag pahinga Rin.

My eyes opened when my phone vibrated. Kinuha ko ito mula sa lamesa at sinagot ang tawag.

"Hmm, hello?"

"Ate!"

"Bast, what is it?"

"Late ka uuwi?"

"No, Maya Maya uuwi din ako. Hihintayin ko lang si qiu na matapos at isasara ko na 'tong flower shop."

"That's good then!"

"Huh–" binaba Niya ang tawag. Bastos na bata. Bast is 22 years old now, may-ari Siya ng sikat na mga resto dito sa pilipinas and I'm proud of him.

"Ate vuen, alis na po ako." Pumasok si qui sa opisina ko at nilapag ang susi sa lamesa ko. "Bye po, ate vuen!" I waved my hands at her.

Iniligpit ko na din ang mga gamit ko at tumayo na. Lumabas ako ng opisina at isinarado na Ang flower shop.

"Bakit ba tawag ka nang tawag? Pa-uwi na nga ako, oh." Sagot ko sa tawag ni bast habang nagdra-drive.

"Wala lang, hehe. Bye!"

Binaba Niya muli ang tawag at nag-focus ako sa pagdra-drive.

Napakunot ang nuo nang makita ang Hindi pamilyar na kotseng nakaparada sa harap ng bahay namin. Wala naman sinabi sa'kin si bast na may bisita kaya sino 'to?

Mas lalong napakunot ang nuo ko nang madatnan ang loob na madilim. Asan si bast? Si manang?

"Bast?" Tawag ko. Kinapa ko ang pader na katabi ng pinto at ni-switch on ang ilaw. Kasabay nang pag liwanag ng paligid ay Siyang sigawan na narinig.

"HAPPY BIRTHDAY!!" Malakas na sigaw ni bast habang si manang ay nakangiting hawak ang cake na may nakasulat sa itaas na, 'happy 23th birthday vuende Mendez!'

Kasama din nila sila Maine, heaven, careen na nakangiting aso.

I laughed softly. "Kayo talaga," Ani ko at lumapit sakanila.

Isa Isa nila akong sinalubong nang yakap at bati. "Happy birthday, ate. Blow the candle na and, oops! Don't forget to wish, ha!"

Inilapit ni manang Vivian ang cake sa mukha ko. I closed my eyes.

I wish to see him again.

Minulat ko ang mata kasabay nang pag-hipan ko sa kandila.

"Hoy, ano 'to? Bakit may pa-ganto kayo?!" Malakas na tanong ko nang may tumakip sa mata ko gamit ang panyo.

"Chill ka lang ate." Rinig kong sabi ni bast. Dinala nila ako kung Saan.

"Oi, ano 'to? Pwede na Tanggalin Yung takip sa mata ko?" Tanong ko ngunit tanging ihip lang ng hangin ang narinig ko.

"Bast? Bahala kayo, tatanggalin ko na," Ani ko at tinanggal ang takip. I slowly opened my eyes.

Napakunot ang nuo ko. Nasa harden ako, may lamesa sa gitna at may bulaklak sa itaas nito. The placed is very romantic.

May mga ilaw din na nakalagay sa sahig na hugis puso.

"Hi, vuen." Napahawak ako sa dibdib nang may biglang nag-salita sa likod ko.

But I was more surprise nang harapin ko Siya. He's holding a bouquet of flowers. He's more than handsome now.

"Kian..." Bulong ko habang nangingilid ang luha sa mata ko.

---

Started: Feb, 15, 2022
End: Feb, 27, 2022

🎉 Tapos mo nang basahin ang classmate, chatmate (virtual heartbeat #9) [COMPLETED] 🎉
classmate, chatmate (virtual heartbeat #9) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon