Chapter Twenty-Two: Serpent

1.1K 115 30
                                    

There are two ways to go about this week.

I can spend it avoiding every person involved in the confusing fight yesterday, especially my older sister na hindi biniyayaan ng talent sa pagsisinungaling. Gusto kong ipakita ang galit at inis sa pagbabalewala nila sa mga tanong ko. I won't give a damn about anything that's happening around me at pananatilihin na lang ang ignorance ko sa mga bagay-bagay.

If the fight comes, then I'll just strategize and win.

The other option was to ignore but investigate. I will walk and act like I used to, as if yesterday did not happen at all or some soulbearer wiped my memory, but I won't disregard all the confusing information I've gathered over the past weeks. Kung hindi nila sasagutin ang tanong ko, e'di ako ang sasagot.

Ako ang maghahanap ng sagot.

Kaya naman nandito ako sa Awanggan kasama ang apat na taong naging buntot ko na. There were only about ten or fifteen people inside the huge dining room, so if I order Azriel to dance now, no one would know.

Pagkatapos ng nangyaring laban kahapon, naging tensiyonado ang academy. The faculty tried to ease the situation, keeping the alarmed students calm, but it wasn't very effective. Kokonting estudyante lang ang nagpakita sa Awanggan, dahil marami sa kanila ang naniniwala na mapoprotektahan sila sa kanilang House.

Well, that's their choice. Ako kasi, gusto ko lang kumain.

Also, another plus was... walang classes ngayon!

"Nagtataka din ako, Raven. Paniguradong may tinatago sila." seryosong saad ni Tamara sa harap ko. Nakalimutan na niyang may kinakain pa siya kaya inu-unti-unti ko ang laman ng plato. "Pero ano nga naman ang kailangan ng mga taong 'yon sa'yo?"

Tanungin mo 'ko ng tanong ko rin sa sarili, Tamara.

"Basta, one vote up ako doon sa sinabi ni Raven na baka tungkol sa pamilya," komento ni Eva na abala sa pagngunguya. "Who knows? Sa sobrang greedy ni Tito Hector, baka nga may nabangga na siyang hindi dapat."

Well, the right term for my father would be ambitious.

Tumango si Griffin. Nanatili namang tahimik ngunit nakikinig si Azriel.

He's so obvious! He tries so hard to focus on his food. Hindi din siya mapaghahalataan dahil sa mask na suot, but I can see his ears twitching or his subtle eyeing at our side. Noong tinuro ang Art of Eavesdropping, natutulog ata si Azriel.

"Pero that means na ang nakabangga niya ay may koneksiyon sa Alondra." ani Tamara. "War and Ruin are part of that group! If it's possible na sa pamilya, then a high member of Hiraya is associated with them!"

Muling sumang-ayon si Griffin at inilipat ang atensiyon kay Eva, naghihintay sa susunod na sagot.

"Hindi naman kasi na dahil nakakulong sila sa ilalim ay wala na silang komunikasyon sa taas. You should also remember that before Alondra was locked away, it contained well-reputable citizens." Eva argued.

Griffin once again changed teams, giving a very convincing nod to everyone in the table, even clapping his hand. All that while still chewing his food like a starving man.

"The previous regent of defense."

Napatingin kami kay Azriel nang sumali na siya sa usapan. He wasn't looking at us, but rather outside the window with a faraway gaze. Akala mo naman ilang taon na siyang namumuhay sa mundo at nagkakaroon ng war flashbacks.

"Regent of defense?" I frowned. "Like Dustine's father?"

Tumango si Griffin at Eva, pero ang babae ang sumagot dahil abala pa ang nauna sa pagnamnam ng pritong manok.

Soulstone AcademyWhere stories live. Discover now