Chapter 1

7.5K 235 17
                                    

Edited.

Trey's POV

"That's it Pa! Hindi ko na kayang tumira sa isang bubong kung kayo lang ang makakasama ko! Yes I'm free but I feel like a prisoner na lahat ng gagawin ay kinokontrol nyo! I can't take it anymore!" galit na sigaw ko.

"Fine! Subukan mong umalis sa bahay na to, tandaan mo hinding hindi kita papamanahan maski singkong duling! Subukan mo Trey Jules Montereal na suwayin ako, kalimutan mo na din na ako ang ama mo!" mahabang litaniya ni Papa gamit ang kanyang nagbababalang tinig.

Pero di ko na talaga kaya. Sawa na ako sa buhay kong laging kinokontrol. Oo at sanay ako sa yaman. Yung tipong hahainan na lang at kulang na lang ay paliguan. Pero, kaya kong isugal ang lahat, mawala man ang yaman ko, atleast makuha ko ang minimithi kong kalayaan mula sa kanya.

Tumaas na ako sa kwarto at kinuha ang mga inimpakeng gamit ko kagabi. Matagal ko ng pinag isipan ang pag alis kong ito at ngayon, handa na akong umalis sa tanikala ng demonyo.

"Where are you going Trey? Don't leave us please. Ako na ang kakausap sa Daddy mo. Wag mo lang kaming iwan ng mga Kapatid mo dito." naluluhang sabi ni Mama habang nakayakap sa likod ko, waring pinipigilan ako nung nakita nyang dala ko na ang mga maleta ko.

"Sorry Ma." yun lang ang tanging nasabi ko sabay lakad papunta sa kotse kong nakagarahe.

Bago ako makalabas, binigyan ko ng huling sulyap ang bahay kung saan ako lumaki. Iiwan ko na ito para sa kalayaan ko. Bago pa tumulo ang mga luha ko ay umalis na ako. Hindi gawain ng isang lalaki ang umiyak.

Nagdadrive lang ako kung saan habang naghahanap ng isang appartment na mauupahan.

Napako ang tingin ko sa isang hindi kalakihang appartment na naraanan ko. Hindi ko alam pero parang may nagtutulak sa aking pumunta at dito na mangupahan sa appartment na to.

Pinark ko ang kotse sa maliit nilang garahe at pumasok sa loob.

Maliit man kung tingnan sa labas, maganda naman dito sa loob. Halatang naalagaang mabuti nung may-ari.

Pumunta ako sa land lady na namamahala sa building na ito.

"Miss magkano po ang upa dito?" magalang kong tanong.

"Ay Hijo! Murang mura lang dito! 10000 a month lang." masayang sabi nya

"Sige kukunin ko na po. 3 months deposit at 2 months advance." at inabutan ko ito ng tatlong libo.

Masaya naman nya itong inabot at sinamahan ako sa magiging kwarto ko.

"Miss pwede po bang dito na lang ako sa kabilang kwarto?" tanong ko. Hindi ko alam kung bakit mas gusto ko sa kabilang kwarto kesa sa kwartong nakalaan dapat para sa akin.

Nakita ko namang namutla sya nung sinabi kong sa kabilang kwarto na lang ako.

"Eh Sir kasi po, hindi po pwede jan e. Ihahanap ko nalang po kayo ng iba kung ayaw nyo dito sa kwartong napili ko." nakayukong sabi ng landlady.

"Hindi po kasi talaga pwede jan maski walang umuupa" dagdag pa nito.

"Wala akong pake. Dito ko gusto sa kwartong to at sa ayaw at gusto nyo, ito ang kwartong uupahan ko." ma awtoridad na sabi ko. Ginamit ko ang authority na nakasanayan ko nung nasa bahay pa ako.

"Masusunod po kung yan ang gusto nyo." at dali dali nyang kinuha ang susi ng kwartong napili ko at ibinigay sa akin.

"Sige po. Maiwan ko na po kayo. Puntahan nyo na lang po ako sa baba kung may kailangan kayo o kaya ay tawagan nyo na lang po ako sa teleponong nasa kwarto nyo." sabi nito at dali daling umalis.

Tiningnan ko ang susing hawak ko at ang numero ng kwartong pinili ko.

Room 8

Nasa Ikalawang palapag ito at sa limang kwartong narito sa taas ay dalawa lang ang nangungupahang iba.

Binuksan ko na ang pinto ng kwarto ko at hindi ko alam kung bakit biglang kinilabutan ako pagkapasok ko dito.

Wala ito, pagod lang siguro ito. Inayos ko na ang mga gamit ko at naghanda na pagtulog.

Ilang minuto na akong nakahiga ay hindi parin ako matulog. Pakiramdam ko kasi ay may nakamasid sa akin.

Hindi ko na sana ito papansinin ng may marinig akong iyak na parang humihingi ng tulong galing sa kung saan. Sinubukan kong libutin ang buong kwarto at napadpad ang tingin ko sa may sala. Nagulat ako ng may nakita akong babaeng nakaluhod habang hawak ang tagiliran nyang may umaagos ng dugo. Lumingon ito sa may gawi ko at mas lalo akong nagulat ng makita ang mga mata nito. Wala itong ekspresyon ngunit patuloy ito sa pagluha. Nagulat ako ng may narinig akong putok ng baril at ang kaninang pagkagulat ko ay napaltan ng takot. Dahil saktong pagkurap ng mata ko at sa muling pagmulat nito, wala na ang babaeng nakita ko kanina.

Nagising ako na parang may humahaplos sa pisngi ko. Minulat ko ng kaunti ang mata ko at tiningnan kung sino ito. Nagulat ako ng makitang ito ang babaeng nakalupasay sa sahig kanina. Paulit ulit nyang binulong sa aking tainga ang mga salitang

"Tulong. Tulungan mo ako."

Paulit ulit nya itong binulong hanggang sa naramdaman kong parang may yumuyugyog sa balikat ko dahilan upang ako ay magising na pawisan at hinihingal.

"Sir! Buti po at nagising kayo. Binabangungot po kayo!" kinakabahang sabi ng land lady.

"Pumunta po ako dito upang ibigay sana itong sulat na pinabibigay sa inyo." dagdag pa nito.

Maski nagugulahan ay inabot ko ang sulat .

"Kanino daw ho galing?" takang tanong ko.

"Hindi ko po alam Sir e. Basta na lang po umalis yung nag abot ng sulat pagkasabing sa inyo daw po ito."

"Sige salamat." sabi ko at umalis na sya sa kwarto ko. Narinig ko pa ang pagsarado ng pinto bago ako sumandal sa headboard ng kama ko.

Naguguluhan at nagtataka man ay binuksan ko ang sulat at yung kaba ko kanina ay dumoble ng mabasa kung anong nakasulat.

"Tulong. Tulungan mo ako."  na nakasulat gamit mismo ang dugo.

Pero mas lalo akong kinabahan na ngayon ay natatakot na, dahil ang nasa tapat ng kama ko ay ang babaeng nakita ko kanina sa panaginip ko. Nakatitig lang ito habang lumuluha. Ngunit ang pinaka nakakatakot ay nang makita kong lumuluha ito ng dugo habang nakatitig sa akin, at iyon ang dahilan upang mawala ako sa ulirat.

Ang RoomMate kong MULTO (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora