Chapter 2

4.9K 197 11
                                    

Edited.

Trey's POV

Nagising akong masakit ang ulo. Uggh! Ansama ng panaginip ko. Buti panaginip lang. Buntong hininga kong sabi sa aking sarili.

Tumayo na ako at nagdiretso sa kusina. Ngunit bago ako makarating sa kusina ay bigla akong kinilabutan ng mapadaan ako sa sala. Magkarugtong lang kasi ang kwarto patungong sala at kusina. Bigla kong naalala yung sa panaginip ko. May babaeng nakaluhod at lumingon saakin.

Iiling iling kong ipinilig ang ulo dahil ayaw ko ng maalala ang bangungot na yun.

Kumuha ako ng tubig sa ref at bumalik sa kwarto. Narinig ko ang pag ring ng cellphone ko kung kaya't hinanap ko kung nasaan ito. Nakita ko itong nasa ilalim ng kumot. Kukunin ko na sana ito para malaman kung sino ang tumatawag at para masagot ito ng makita ko ang nakabaliktad na papel katabi nito. Kinuha ko din ito at nabitawan ko bigla ang hawak ko ng mabasa ang nakasulat dito.

"Tulong. Tulungan mo ako." Nakasulat ito gamit ang Dugo.

Bigla akong kinilabutan at pinagpawisan ng malamig. Ang kaba ko ay napalitan ng takot ng makumpirmang hindi panaginip ang nangyari kanina.

Ang kaba ko ay dumoble nang makita ko ang babaeng duguan na nasa harap ko na . Aalis na sana ako ng bigla itong lumuhod sa harap ko at paulit ulit na sinabi ang mga katagang

"Tulong. Tulungan mo ako."

Yung takot ko kanina ay biglang napalitan ng awa. Tiningnan ko ang kabuuan nya.

Maputi sya, medyo petite, nakalugay ang maitim at mahaba ngunit magulong buhok, namumutlang mga labi at walang emosyong mga mata.

Matagal kong tinitigan ang kanyang mata. Maganda ito ngunit parang walang kabuhay buhay habang umaagos ang mga luha nito.

Hinawakan ko ang kamay nito para itayo sana ngunit nabigla ako ng bigla na lamang tumagos ang kamay ko sa kamay nya. Bigla ulit akong kinilabutan habang tinititigan ang mga mata nyang ngayon ay nakatingin sa akin habang humihingi ng tulong.

Takot man ay nagsalita na ako,

"Anong tulong ang kailangan mo?" medyo nanginginig na sabi ko.

"Tulungan mo akong maalala at hulihin ang taong gumawa saakin nito at tulungan mo akong makabalik sa katawan ko." direktang sabi nya.

Sa mga salitang binitawan nya ay nagtaasan ang mga balahibo ko sa batok patungong kamay ngunit di ko nalang ito pingtuunan ng pansin.

"Bakit ako? Bakit kita nakikita? " naguguluhang tanong ko.

"Dahil bukas ang iyong ikatlong mata. Saka, ikaw ang gumambala dito sa aking kwarto kaya bilang kapalit, ikaw ang tutulong saakin para mabuhay ulit ako."

"Kapag ba natulungan kita ay hindi mo na ako guguluhin?" naniniguradong tanong ko

"Hindi na, pangako." sabi nya. Kasabay ng pagsilay ng ngiti sa labi nya ay ang pagbabago ng itsura nya. Ang kanyang magulong buhok ay naayos at parang naging bagong rebond ito. Ang maputla nyang labi ay biglang naging pula at ang damit nyang basa ng dugo kanina ay napalitan ng isang simpleng puting bestida. Ang hindi lang nagbago sa kanya ay ang kanyang mga mata, dahil hanggang ngayon ay wala parin itong kabuhay buhay.

"Tutulungan mo na ba ako? At anong pangalan mo?"

"Payag na akong tulungan ka." tanong ko na may ngiti sa labi.

Ito ang unang pagkakataon na magagamit ko ang napag aralan ko sa pagiging detective

"Ako si Trey Jules Monterereal, isang baguhang detective. Ikaw anong pangalan mo?" Tanong ko rito.

"Louisa. Ako si Louisa. Ang tunay na umuupa sa kwartong ito. Ako lang naman Ang Roommate mong MULTO ."

Ang RoomMate kong MULTO (Completed)Where stories live. Discover now