Chapter 3

5.2K 188 28
                                    

Edited.

Trey's POV

"Louisa. Ako si Louisa. Ang tunay na umuupa sa kwartong ito. Ang Roommate mong MULTO" sabi nito sa akin. Medyo kinilabutan ako sa huling sinabi nya.

"Upang matulungan kita, kailangan kong malaman ang nangyari sayo at kung bakit ka naging multo." curious na sabi ko

Flashback. (7 months ago.)

Lou's POV

"Bes!" tawag sa akin ng bestfriend kong si Lin habang kumakaway .

She's Lindana Elizandro. Culinary Arts Student. Graduating na kami next March. And it's 3 months from now. Kakatapos lang ng aming sembreak kaya balik pasukan ulit kami.

"Oh bakit Bes?" Tanong ko ng makalapit ako sa table nila. Break time ngayon kaya naman halos lahat ng section ay nasa cafeteria.

Magsasalita na sana sya ng biglang may umakbay sakin.

"Hello Babe. Tara date tayo?" nakangiting aya saakin ni Kent.

He's Jaze Kent Franco. My beloved boyfriend. Graduating narin yan just like us. Engineering Student yan. Talino nya diba?

"Sure babe. Dating Lugar?" Malambing na sagot ko.

"Yup. Ditch na lang tayo ng class. Last subject na naman diba?" Tanong nito.

"Yup. Sige ihanda mo na lang yung kotse. Mag papaalam lang ako." Nakangiting sabi ko

"Dalian mo ha? You know? I Jaze Kent live without you. " nakangiting sigaw nya nung medyo nakakalayo na sya.

Napa "Ayiiiie!" naman ang mga tao sa cafeteria habang ako ay naiwang namumula sa table.

After a few moments ay nagpa alam na ko.

"Bes? Sorry huh? Later na lang tayo mag usap, or text mo nalang ako. You know? My Jaze Kent live without me." namumulang paalam ko kay Lin.

"Sure, sige I understand. Later na lang. Enjoy your date." . Hindi ko alam kung guni guni ko lang ba na di umabot hanggang mata ang ngiti nya o hindi. Hindi gaya nung halos di na makita ang kanyang chinitang mata sa sobrang laki ng ngiti kapag ako ay nagpapaalam sa kanya kapag may date kami ni Kent.

Pinagwalang bahala ko nalang ito as I waved my hand as a sign of goodbye habang naglalakad palayo. Nakalingon parin ako sa kanila kung kaya't hindi ko napansin na may tao pala sa harapan ko.

Nabangga ako sa katawan ng isang lalaki. Ang lalaking iniiwasan ko ngayon .

"Hey! Long time no see Lou." nakangiting sabi nya.

"Hey! Good to see you again Carl . Sorry I'm in a hurry. Gotta go." nagmamadaling sabi ko at sinubukan ng maglakad palayo.

Hindi pa ako nakakalayo ng hinablot nya ang braso ko.

"Iniiwasan mo ba ako Louisa Uy Valdez?" ang kaninang nakangiti nyang mukha ay naging seryoso .

"Hindi naman Carl Jake Dominguez. It's just that..." sabi ko "May date kami ni Kent e." halos pabulong ko ng sinabi ang huling linya.

Napabitaw naman sya sa braso ko.

"After all I've done for you ito lang ang igaganti mo? Tandaan mo Louisa, Hindi pa tayo tapos." malamig na sabi nya sabay naglakad palayo. Habang ako ay naiwang nakatulala sa huling linyang binitawan nya. He was my bestfriend. WAS . Nilayuan ko lang sya nung maging kami ni Kent 11 months ago lang. Dahil narin nung umamin syang gusto nya ako. Well, wala naman akong magagawa kasi alam ko namang maganda ako. Hindi ko sana sya lalayuan ngunit in-insist ni Kent dahil nagseselos daw sya.

Ang RoomMate kong MULTO (Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant