I

74 3 0
                                    

📌Ika-Una

Modern world where all is new at kinalimutan na ang nakaraan. Ang mga dating kasabihan at nakalipas ay di na nagmamatter dahil konti na lang ang naniniwala. Ngunit may isang pagkakataon na magpapaalala sa atin na hindi tayo dapat lumimot. Na hindi dapat sila kalimutan.

End of semester is Vacation! Let's go!

Sa mundong ito, matulog is normal, humilik is normal, umiyak while sleeping is also normal. And definetely, manuntok habang tulog is very normal. Yeah we all know that for fact. At lahat tayo pwedeng maexperience ito habang tulog, pero bakit naman wala sa nabanggit na naexperience ko?

Masukal, magulo, mapuno, nakakapanindig balahibo, madilim at malamig. Ganito ko mailalarawan ang lugar kung saan dumilat ang mga mata ko.

"Here we go again!" sarcastic na bulong ko sa sarili. Napabuntong hininga ako ng malalim bago tumalikod at magsimulang lumakad pauwi ng bahay. As usual, pasado alas tres ng madaling araw ng tumingin ako sa orasan.

Sleep walking, narinig niyo na ba? Isa itong pambihirang pagkakataon kung saan ang isang tulog ay nakakagawa ng kilos para lumakad kahit tulog ang diwa niya. Yes, I have experienced it, A LOT.

Naalala ko unang beses ko itong naexperience dahil sa isang pagkakataon na nalasing ako sa inuman. Yes, nasa probinsya ako at medyo gubatan ang likod ng bahay namin pero may bar naman sa bayan. Yes, mahilig akong gumimick with friends. So that time, nahimatay ako after ko magising sa gitnang kagubatan. Tanggal amats sa takot then ayon pagkagising ko ang kalat ng damit ko kase sa gubat ako nakatulog. That was the first time. At nasundan pa ng nasundan hanggang masanay na ako.

There is a routine na nangyayari iyon. Once a week. Like hell. Ayokong sabihin kila mama dahil baka haluan lang nila ng kababalaghan. Like hello, 2022 na naniniwala parin sila sa mga engkanto at aswang? Kaya nilihim ko lang. May scientific reason naman ang nangyayari sakin eh kaya okay lang ito. I guess?

Bakasyon namin ngayon, Second year college ako sa isang unibersidad sa Maynila kaya naman napakasarap bumalik sa probinsya para naman makalanghap ng kapayapan at sariwang hangin. May kaya ang pamilya ko. Doctor si papa habang si mama naman ay isang guro. Kaya din hindi ako naniniwala sa mga kababalaghan na iyan is because of my father. Doctor siya eh, si mama lang talaga ang paniwalain sa mga sinaunang kwento dahil dito talaga siya sa probinsya lumaki.  Marami daw dito sa amin na mga aswang at engkanto. So funny, right?

I decided to take a bath bago magbreak fast. And after non, maghapon na akong nagbabad sa social media.  Mga 3pm ng maisipan kung umidlip saglit kase medyo inantok ako. Pumasok sa kwarto at binuksan ang aircon.

"Becca, anak! Bumangon ka na, nandito ang manliligaw mong si Junior." naalimpungatan ako sa tawag ni mama. Biglang bumukas ang pinto.

"Inaantay ka ni Junior sa terrace, haharanahin ka daw." kinikilig na balita niya. Agad namang tumindig ang balahibo ko sa narinig. Harana? Yucks, super old school at ang baduy.

"Sabihin mo masama ang pakiramdam ko!" plain kong tugon bago bumalik sa pagtulog.

"REBECCA!"

Agad akong napabalikwas sa paghiga. That tone at ang pagtawag niya ng buo sa pangalan ko ay senyales na nanganganib ang buhay ko kay mama.

"Lalabasin mo ang manliligaw mo o kukumpisin ko ang gadgets mo hanggang magsimula ang pasukan?" medyo kalmado pero alam mong nagtitimpi lang.

"Oo na po lalabas na." takot kong pagsuko. Nakakatakot talaga si mama kapag ganyan na ang mood. Teacher kase siya at sanay sa pagdidisiplina.

Napilitan akong dumungaw sa bintana para lamang makita na hindi lang si Junior ang nandoon. May dalawa pa na nakaabang. Mga manliligaw ko din. This is so annoying.

Alam kong maganda ako pero ayoko magjowa! Ayaw ko ,ayaw ko, ayaw ko.

Pinagtiyagaan ko na lang ang mga boses nilang kay papangit at ng matapos ay agad akong dumulog upang kumain.

Si mama naman todo tanong kung may nagustuhan daw ako sa tatlo. Like eww, walang wala. Baka nga kahit sinong lalaki walang effect sa akin eh. I don't like boys and commitment. Ang kailangan ko, pera na panggala at maraming time pagsosocial media.

Napabusog ako sa pagkain na hinanda ni mama kaya naman kahit natulog ako ng hapon ay inantok din ako agad ng sumapit ang gabi.

I fell asleep hard, until...

"Shocks! Here we go again!"

Engkantos of the Modern WorldWhere stories live. Discover now