III

34 3 0
                                    

Rebecca's POV

Lumipas ang isang linggo. Malapit na akong lumuwas ulit sa Maynila para mag enroll. Magsisimula na rin kase ang pasukan sa kolehiyo.

I was planning to hang out with my friends sa bar tonight to celebrate ang paglabas ko sa ospital. Na super weird. Like, totoo kaya ang engkanto at yung mga naaalala kong nakita ko? Parang panaginip lang. Pero nakakakilabot. But anyways, inistart ko na ang kotse ko. Bihis na bihis ako sa aking maiksing tokong at backless na damit. Well, siyempre dapat pangmalakasan. Kailangang maganda ako sa bar tonight.

"I'm sorry, Becca! We just have an emergency. We can't make it!"

Napapikit ako ng mariin ng mabasa ang mensaheng iyon ni Quincy sa group chat. Ano ba naman yan, dapat kanina pa nila sinabi ,nakabihis na ako eh.

Hindi na ako nagreply at nagreact. Bahala sila, I'll go by myself. Pero first time ito ha. Ngayon lang ako magbabar mag-isa. Ayos lang naman siguro kase mababait ang bouncer at kilala ko ang bar owner.

Kakadating ko lang at agad akong sumugod sa counter para umorder ng light drinks. Ladies drink, kumbaga. Mag-isa lang ako kaya I need to drink moderately. Nakaka ilang shot na ako ng maengganyo akong sumayaw sa dance floor.

Sa mismong stage ako sumampa upang sumayaw. Maria by Hwasa. Paborito ko itong sayawin ng sexy. Habang papalapit sa chorus ay nararamdaman ko ang mainit na tinginan ng mga tao sa akin. Lalo ng mga lalaki. Ang hot ko ba sobra? Well, hot talaga ako at wala na kayong magagawa doon.

Nagsisigawan ang mga tao ng may tumabi sa akin upang lumaban ng sayawan. Napangisi ako, mali ka ng kinalaban girl.

Nakapony tail ang kanyang blonde na hair habang nakajacket siya na bukaskasan. Halos luwa na din ang dibdib niya at mas maiksi ang suot niyang short.

I slow turned and start twerking. Halos mabaliw ang mga tao sa paligsahan naming dalawa. Nang matapos ang kanta ay bumalik na ako sa nook kung saan naroroon ang aking inumin.

"You're quiet amazing, girl. Ang galing mong sumayaw. So sexy!" Nilapitan ako noong babae na kasama ko kanina sa stage.

"Ikaw din, ang hot mo!" Binalik ko sa kaniya ang compliment. Well, hindi naman pala siya mataray. Akala ko tatarayan ako eh. Humaba ang usapan namin at nagimg comportable na akong kasama at kainom siya.

"Girl, I have to go. Mapapagalitan na ako sa amin. Tumakas lang ako!" Paalam niya. Natawa ako kase ginagawa ko rin ang ganon paminsan minsan, ang tumakas.

"Wait, kanina pa tayo magkausap pero hindi ko pa alam ang pangalan mo." Medyo malungkot kong sabi.

"Oh no. You're right. Ako si Rain, it's nice to bond with you." At niyakap niya ako. Naflatter naman ako.

"Yun, Rain. Ang gandang name. Ako naman si Becca. Sana magkita tayo ulit." Nakangiti kong sagot. I was about to beso beso her ng biglang magslip ang mga labi namin at mahalikan niya ako sa lips.

"Oh my gosh. I'm sorry. Lasing na ata ako!" Nagulat siya sa nangyari.

"Bye ,Becca. See you next time!"

Ilang minuto na ang nakaraan ng umalis si Rain sa harapan ko pero nakatayo pa rin ako habang hawak ang mga labi. Ngunit biglang nilamig ng matanawan ang isang pamilyar na nilalang sa banda doon. Yung kamukha ni Goku na nakasimangot. Pumilig pilig ako para mabawasan ang amats ko bago bumalik sa bar. Ngunit biglang tumugtog ang kantang "I kissed a girl and I liked it"

Shocks. Napangiti na lang ako. Not bad. Char, hindi po ako lesbian.

"Hi miss!" Napawi ang ngiti sa mga labi ko ng bigla akong tabihan ng isang bruskong lalaki.

"I don't talk to stranger" mataray kong sagot. Hindi ako pumunta dito para lumandi. Alam ko na ang punta ng mga hi miss na yan.

"Sungit naman. Ang galing mong sumayaw kanina ah. Pwede mo bang ulitin?" He asked, uminom siya ng brandy sabay lapit ng bibig sa tenga ko at may sinabi.

"..pero sa kama!"

Napalunok ako at biglang nakaramdam ng pagkainsulto sa narinig.

"Bastos!" Tinulak ko siya palayo sa akin at dali daling umalis ng bar. Hindi na ako komportable. Kaya ayaw ko talaga mag isang magbar. Ang daming bastos.

Nagmamadali akong nagtungo sa parking lot. Medyo madilim at dulo pa yung park ko. I need to go home now.

"Hey, uuwi ka na? Tara, hatid na kita!" Biglang nagtayuan ang mga balahibo ko sa narinig. Yung lalaki kanina, nakasandal sa kotse ko.

"Get out. Uuwi na ako!" Tinabig ko siya palayo sa kotse pero bigla niya akong kinulong sa bisig niya at inamoy ang leeg ko.

"Ang bango mo!"

Sa sobrang gulat ko at takot ay bigla ko siyang sinipa sa alaga niya.

"Aray!" Nagtatalon siya doon habang ako ay lumayo sa kaniya habang pinapanood lang siyang nasasaktan. Hanggang sa di ko napansin na nakabawi na siya ng lakas.

Nagmamadali niya akong hinatak pabalik.

"Pakipot ka pa, alam kong gusto mo rin naman!" Bigla niyang hinila pababa ang suot kong damit hanggang bra na lang ang matira. Agad tumulo ang mga luha ko sa takot. Hindi ako makagalaw.

He was about to kiss me ng biglang may kamay na humarang dahilan para kamay niya ang mahalikan nung lalaki.

"Not her, gago!" Napatingin ako sa nilalang na dumating ,tinabig niya ang mukha ng lalaki dahilan upang mapahampas ito sa katabing kotse. Nagmamadali niyang hinila ang kamay ko at itinago sa likod niya.

"Sino ka!" Galit na galit yung lalaki. Bigla niyang sinugod yung nilalang na tumulong sakin. At boom, sinuntok niya. Napangiwi ako akala ko strong si kuya huhu.

"Lampa naman pala, lakas ng loob!" Natatawang wika nung manyakis habang gumugulong sa sakit si kuyang nagmabuting loob sa akin.

Napasigaw ako ng makitang sisipain na nung manyak si kuyang mabait pero naputol ang boses ko ng biglang nagliwanag ng asul ang mata nito at magsimula sa mga hand gestures niya na akala mo eh si doctor Strange. And in one snap, tumilapon na sa malayo yung manyakis.

"Master, okay ka lang? Ikaw kase Becca, napaka careless mo. Master may dugo ka." Medyo naguguluhan ako. Si kamukha ni Goku ang nagsalita. Sa halip na matakot ako ay biglang nawala ng makita ang kalagayan nung tinawag niyang master.

Nagmadali kong tinabig yung maliit na kamukha ni Goku upang tignan ang sugat na natamo ng Master niya kuno.

Halos mahipnotismo ako ng mapagmasdan ang mukha ng nilalang sa harap ko habang hawak ang pisngi niya.

"Perfect!" Napabulong ako sa isip ko. Hindi ako makaimik, sobrang gwapo. Tao ba ito? Totoo ba ito? Ngayon lang ako nakakita ng perpektong mukha sa buong buhay ko. Kulay, hugis ng mukha, ilong, rosas na labi , maaamong mata at makapal na kilay. 

Para siyang nahihiyang hindi makatingin sa akin habang sinusuri ko ang mukha niya. Hanggang sa makita ko ang kulay ng dugo niya. Napabitaw ako ng makitang kulang berde ito. Natulala ng umilaw ang mata niya ng asul at tumubo ng patusok ang tenga niya.

"I-Ikaw, K-Kayo yung E-Engkanto!"

Engkantos of the Modern WorldOnde histórias criam vida. Descubra agora