II

37 3 0
                                    

Rebecca's POV

"Nakakainis" , padabog akong tumalikod ng magkamalay. Naiinis na ako, kelan ba maaalis ang sleep walking ko na ito. Hindi na nakakatuwa kase naaapektuhan na ang haba ng pagtulog ko. Maaga kase ako gumigising para magcheck ng mga social media accounts. Hindi ko hinahayaan na nahuhuli ako sa happenings.

Eh ang nangyayari, napupuyat ako sa lecheng sleep walking na ito. Nagroll eyes pa ako bago humakbang ng biglang.

"Hihihi"

Napalingon ako ng biglang makarinig ng tawa mula sa kagubatan. Maliit na tinig. Medyo tinamaan ako ng takot sa narinig, like what the heck is that.

I pinched my cheecks. Gising Rebecca, wala kang narinig. Guni-guni lamang iyon.

Muli akong humarap sa daan upang lumakad.

"Hmmpt!!"

Biglang nagtaasan ang mga balahibo ko. May boses akong narinig muli. Kung yung kanina ay matinis, ngayon naman ay parang boses lalaki.

"Sino 'yan?" tapang tapangan kong sigaw sa kagubatan. Nakakuyom na ang mga kamao ko sa kaba at takot.

Baka rapist ang mga ito. Mahal ko pa ang buhay ko at birhen pa ako no, hindi ako papayag na kung sino lang na hindi ko kilala ang makakakuha nito kaya ilalaban ko ito ng patayan. Pero paano ako makakalaban eh marami sila. Anong gagawin ko?

Biglang nagsikilusan ang mga natitira ko neurons sa utak. Shock, iniisip ko pa lang ang maaari kong kalagyan ay naluluha na ako. Sa huli ,wala akong macome up na plano. Ang bobo ko, shuta.

"M-Mama, p-papa, help!" nangangarag na ang boses ko sa kaba at takot. Parang asong nalason na yung boses ko.

"Pfft. Hahaha!"

"Hihihi"

Parang tumaas ang lahat ng dugo sa ulo ko ng biglang may dalawang nilalang ako na nasinag mula sa silhouete na mula sa bilog na buwan.

Hindi ko maidedescribe ng maayos pero yung maliit ay may buntot, ang sinag na buhok ay nakatayo at hinati sa limang tusok. Kung kilala niyo si Goku sa dragon ballz, ganon.

Habang ang isa naman ay matangkad na sa tantya ko ay 6 footer. Hindi ko kita ang mukha pero ang ganda ng hulma ng katawan niya, katamtaman at makisig ngunit napaatras ng mapatingin sa tenga, patusok ito na mahaba at mahaba din ang kaniyang buhok.

"Kamusta, binibining Becca!"

Biglang nagsalita ang maliit na nilalang at sobrang tinis nito.

Ilang segundo bago nagproseso ang utak ko. Nagsalita siya at kilala niya ako. Isa pa ay tinawag niya akong binibini. Napaatras ako ng bigla silang humakbang palapit sa akin at kasabay noon at ang paglitaw ng kanilang mga asul na liwanag na mata.

"Ahhhhh!"

Takbong matulin, madapa dapa pa ako makauwi lang sa bahay.

Agad kong kinapa ang paso sa labas na may nakatanim na halaman. Doon kase nilalagay ni mama ang spare key. Kase madalas din ako umuwi ng gabi.

Nanginging ang kamay ko, bakit wala? Asan na iyon. Halo halong kaba at takot na ang nararamdaman ko. Di ako makapag isip ng mabuti.

"Ito ba ang hinahanap mo?" napatingin ako sa nagsalita at direktang napatingin sa hawak niyang susi. Shocks, buti na lang ,akala ko nawala na eh.

Nakangiti ko itong tinanggal at nagpasalamat. Until I realized something.

Napatingin ako sa itsura niya. And the last thing I knew ay nakahandusay na ako sa sahig at wala ng malay.

"Ha! Ha! Ha!" hingal na hingal akong bumangon sa pagkakahiga.

"Anak, gising ka na!" nagmamadali akong niyakap ni mama. Nasa ospital ako. What happened? Naguluhan ako.

"Anak, alalang alala ako sa'yo. Ano bang nangyari?" naiiyak si mama.

"Ha? Anong anong nangyari? At bakit ako nasa ospital?" naguguluhan kong tanong.

"Isang linggo ka ng walang malay. Pinacheck na kita sa papa mo at ang sabi niya wala naman daw problema. Wala kang sakit. Basta ka lang daw tulog. Anak, ano bang nangyari sa iyo. Nakita na lang kitang nakahandusay sa harap ng bahay natin isang linggo na ang nakaraan."

Bigla akong napaisip.

"M-Mama!" nakahikbi na ako agad ng maalala ang lahat.

"Rebecca anak, why?" for the concerned parent si mama. Pero grabe kinilabutan akong muli.

"Mama, totoo nga ata sila!" naiilang kong sabi.

"Ha? Sinong sila?" naguluhan si mama sa pahayag ko.

Biglang pumasok ang malamig na hangin sa bintana ng ospital na parang yumayakap sa amin. Huminga ako ng malalim. Hindi ako naniniwala sa kanila at never akong maniniwala until I met one, ay mali. I met two.

"Engkanto!"

Engkantos of the Modern WorldWhere stories live. Discover now