Chap8

3K 136 6
                                    

Cont..

"Ako naman si jarred kinagagalak kitang makilala brae.."nakangiting tinaggap niya ang nakalahad kong kamay..

"Tara.." Aya niya samin

Magkahawak ang kamay ko sa likod saka sumunod na naglakad kay jarred..

Pinagmamasdan ko lang bawat taong aming nadaraanan..

Nakakita ako ng limang taong bugbog sarado, dumadaing..

"Anong nangyari sa kanila?" Tanong ko na ikanalingon ni jarred

"Ah.. Nabugbog ng mga bandido mula sa taqiea kanina lang sa palayan, nanghihingi kasi ng buwis.."

"Ano? Nanghihingi ng buwis kapatid?"

Natawa na lang si jarred sa komento ni aaron

"Saan kayo nagbabawad ng buwis?" Tanong ko

"Kay ministro alejandro.."

"Ngunit bakit hinihingan kayo ng buwis ng taga taqiea?"

"Dahil inaako nila ang maliit na nayon na 'to nasa kanila daw, kaya doble ang bayad namin ng buwis.."

Grabe naman..

"Ngunit bakit kayo pumapayag?" Tanong ko

"Dahil kung hindi, mamatay kami sa bugbog o di kaya sa bala ng baril..wala rin naman tutulong samin..*soft chuckles* kahit pa ang opisyal na ministro dito sa hilaga ay walang pakialam sa nangyayari..walang tumutulong samin kahit mamatay kami dito..ang hina ng pamamahala ng ariston..puro buwaya pa ang mga niluklok niya sa posisyon.. *chuckles* wala na nga kaming makain hinoholdap pa ang ani namin..ang mga tao rito ay di na magkamayaw sa takot na muling lumusob ang mga bandido..marahas at wala silang awa kita na nga nila ang paghihirap namin ngunit mas lalo silang nasisiyahan sa pagpapahirap samin.."puno ng hinanahing litanya niya

Heto ba ang kasaganaan nilalahad sa libro? Hahaha funny..*iling-iling* nakakatawa..

Naawa ako sa mga taong to..

Lumapit kami sa naghahalong lalaki sa malaking palayok na naglalaman ng lugaw...

"Pinunong jarred luto na ang pagkain"pahayag nito

"Kung gayun ay sabihan mo na ang lahat na magsi ayos ng kanilang mangkok

Agad na sinunod ng lalaki ang utos ni jarred, nag form in line ang mga nanlalantang tao..nagsimula magsandok ang tatlong lalaking kasamahan ni jarred

" kayo, ba baka nagugutom na kayo libre lang ang lugaw.."

Napatingin sakin si aaron kaya tinanguan ko siya..binigyan kami ng tigisang maliit na mangkok ng lugaw..masabaw ngunit sapat ng mapunan ang pangangailang ng iyong tiyan..sumubo ako ng isa at ninamnam ang pagkain ng isang naghihirap na mamamayan..

"Binibini? Ayos kalang ba?" Tanong ni aaron kaya tinanguan ko lang siya...

Nilibot ko ang aking paningin sa mga taong kumakain..pinagmamasdan ko lamang ang bawat isa para silang naghahabol sa pagkain..nag aagawan ng tira tira ng bawat isa...

Nagulat ako ng may sumundot sa kamay kong nakahawak sa mangkok,

batang nabigyan ko ng mamon kanina lang ay nakaabang sa pagkain hawak ko..

"Gusto mo?" Tanong ko bahagya itong tumango kaya binigay ko na lamang ang pagkain sa kanya...naglakad na itong parang mahinang kalapati paalis

"Binibini bakit mo binigay ang pagkain mo.."

"Kasi may mas higit na nangangailanan eh..busog pa naman ako.."

"Ngunit bibigyan din---"

"Ubos na ang lugaw! Maghintay ang iba sa susunod na luto!" Sigaw ng lalaking nagsasandok kanina

She's The General's Mischievous LadyWhere stories live. Discover now