Chap42

777 45 59
                                    

Leo pov.

Abala ako sa pagaayos ng gamit dito sa aking silid..

Kahapon lang ay dumating sakin ang ulat pagkatapos kong maipadala ang mahalagang papeles na pag aari ni young master.

-flashback-

"Young master anong hinahanap mo?" Tanong ko ang akala ko ay aalis na siya subalit nagbalik siya at may hinanap dito sa office niya

"Mahalagang papel." Tugon niya

Ano naman kaya ito?

Ilang minuto ang ginugol niya sa paghahanap hanggang sa nahanap niya ang sinasabi niyang mahalagang papel na nakasilid sa brown envelop

"Ano ba iyan young master?" Takhang tanong ko ng mapansin kong napatawa siya ng mahina at saka bumuntong hininga

"Ito, ang nagdurugtong sa buhay ko."makahulugan wika niya

Binigay niya sakin

"Teka, young master? Bakit mo ibinibigay sakin? Hindi ba mahalagang papeles mo yan?"

"Hm..if i didn't make it within 5 days, i wan't you to send this to uncle, i mean the emperor.."

"Bakit?"takhang tanong ko

"It'll big help for plan A."

May plano si young master?!

Kung ganun ano naman ang B?!

Muli ay may inabot na naman sakin si young master sobre.

"Including this."

"Ipapadala ko rin"

Tumango lang din si young master

-end of flashback-

Sabi niya within five days pag hindi siya nagtagumpay na iligtas si lady blair ay ipapadala ko ang sobre at mahalagang papeles kaya kahapon lang ay nakatanggap kami ng order mula sa emperador..Operation saving the great general and his wife.

Sana pareho silang nasa mabuting kalagayan..

"Leo.." Napabalik ako sa sarili ng may nagtawag sakin pagkalingon ay bumungad si nana

"Nana.."

Nagbaba siya ng tingin at tahimik na lumapit sakin..nabigla na lang ng kunin niya sakin ang gamit ko at siya na mismo ang naglagay sa bag ko

Hinawakan ko siya sa kamay dahilan upang mapatingin siya sakin

"Tinutulungan lamang kita sa pag aayos ng gamit.."matamlay na aniya

"Wag kang masyasdong mag galaw mapapagod ka lang..at nakakasama ito sa bata sa anak natin.."

"Hindi ayos lang..hindi naman mabigat to.."

Pansin ko tila matamlay ata ang boses niya ngayon ahn...ilan sandali ay napansin ko palihim siyang nagpahid ng mata..

"Umiiyak ka ba?" Tanong ko

"Hindi, hindi ako umiyak napuwing lang ako.."

"Tignan ko nga"

Pinaharap ko siya sakin pero matigas siya nanatili siyang nakatalikod sakin kaya ako na pumunta sa harapan niya ng makaharap siya

"Sabihin mo sakin bat ka umiiyak?"

"Wala--"

"Wag kang magsisinungaling."

Tumango naman siya at pinahiran ang butil na luhang pumatak mula sa kanyang mata

"Nag aalala ako.."

"Sakin?" Dahan dahan naman siyang tumango

She's The General's Mischievous LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon