Chap33

1.3K 77 58
                                    

Brae pov.

"Ito' lady brae.." Sabay lapag niya ng isang jar na alak

Inabotan niya ako ng bowl na may laman na alak

"Ano yan?" Takhang tanong ko ang weird naman kasi parang sinaunang wine pa na iwan..

"Ito po ay gawa sa matamis na
Ubas at seresa na nilakip sa lupa ng apat na buwan.."

"Cherry?!!" Bulalas ko

Sh*ta favorite ko cherry!

Walang ano ano ay nilagok ko..

Pero...

"Prrruufff!!!*buga*" agad ko rin naibuga dahil sa nalasahan kong kakaibang lasa!

"pucha ano yan?!" Bulalas ko habang nakaduro sa alak alak ba talaga yan?!

"Alak po,"

"Anong alak? Bakit lasang patay daga?!" Di makapaniwalang sambit ko

Akala ko ba cherry at grapes flavor nyan?!

"Hindi naman po ah.."

Muli kong inamoy ang alak

"P*cha pati amoy! Amoy cockroach!"

"Ano po iyong tinuran? Cockroaach?" Inosenting tanong neto

"Ipis!"

"Ha? Hindi naman po, ganito lang talaga ang amoy niya pero subukan niyo pong namnamin ang alak"

Binigyan niya ulit ako..alinlangan pa ako sa una! Aba hindi ako makaget over sa lasang nakakasuka!

Tapos siya inom lang ng inom kaya wala rin akong choice kundi sundin ang sinabi niya..

For the second taste..

Hmm..sa una lang.... mapait na malalasahan mo ang kakaibang lasa..pero habang tumatagal at ninanamnam sa lalamunan nagiging matamis at nagiging masarap sa dila..

"Ang sarap nga! Geh, isalin mo pa ko.."

Napatawa na lamang siya kaya dinedma ko lang..

Sy*t ang sarap talaga!

_______________

Meanwhile:

Leo pov.

Hindi ko alam kung may isang salita ba si young master o wala...

Kanina lang ayaw niyang sundan si lady blair pero ngayon?!

"Lady brae, tutuparin niyo parin ba ang kasunduan natin?" Dinig kong usapan ng dalawang binibini sa kabilang silid

Oo, pumasok lang naman kami sa inuman dito para lang sundan si lady blair, magkarugtong lang ang silid na kinalalagyan namin kaya dinig namin ang usapan nilang dalawa

"Hayss, hindi ka ata mapakali? Oo sabi...tsk.."

Tungkol saan naman kaya ang pinaguusapan nila? Bakit sa tuno ni lady blair ay tila naiinis na?

"Nagbabakasakali lang naman ako lady brae..saka gusto ko lang sabihin na ayos lang kahit di mo tuparin.."

Ano ba kasi yon?

"Mukha ba ako yung taong hindi tumutupad sa usapan?"

Nang tignan ko si young master seryoso lang siya at walang imik..

"Hindi hehehe.."

"Paano ka nga nainlove sa abnormal na yon?"

Sino bang tinutukoy nila?

"Grabe wala akong nakikitang kagusto gusto kay leo, bukod sa nakakainis ang pagmumukha niya tsk,"

Ah si leo naman pala..

She's The General's Mischievous LadyWhere stories live. Discover now