Chapter 9

30K 1.2K 269
                                    

#OLAPlayPretend

Chapter 9
Secret Mission

Namumugto ang mga mata ko sa puyat dahil sa kakaisip. Mabuti na lang at walang pasok kinabukasan. Kaya nga lang ay hindi pa rin nawala sa isipan ko ang mga nangyari noong gabing 'yon hanggang sa mag Lunes.

Habang nag-aayos, nahagip ng tingin ko ang box ng necklace na nakalapag sa ibabaw ng tukador. My shoulders fell as I heavily sighed. Maingat kong inangat ang box at inilapag nang maayos sa harapan ko. Dahan-dahan ko rin 'yong binuksan para makita ang necklace sa loob.

The necklace was the most expensive item inside our house. Hindi pala. Kahit isali ko ang bahay namin mismo, ang kwintas pa rin ang pinakamahal.

Muli akong napabuntonghininga. Mabilis ko 'yong isinara at tinago sa pinakailalim ng drawer na mayroong lock para walang kahit sino ang pwedeng makabukas, lalo na't papasok ako sa trabaho at buong araw wala sa bahay.

Nagpatuloy na lamang ako sa pag-aayos ng sarili hanggang sa oras na para sunduin ako ni Xaiver. He would always arrive on time, so I had to be ready before he even got here. Kaya naman nang madinig ko ang busina mula sa labas ay agad akong nagmadali.

Just like the other night after I set things straight with him, hindi na niya ako hinintay at pinagbuksan ng pintuan. However, I was a little caught off guard when I saw a fancy coupe waiting for me instead of his SUV.

Nag-aalangan akong naglakad papalapit dahil baka hindi naman talaga 'yon ang sundo ko. Nang malapit na ay bumaba ang bintana at mas lalo akong nagulat nang makita ko si Xaiver sa driver's seat.

He's driving?!

It was a rare occasion for him to drive. Sa loob ng tatlong taon naming magkasama, parang hindi pa lalagpas sa mga daliri ko sa isang kamay kung ilang beses ko siyang nakitang magmaneho. Lagi siyang may kasamang driver na naghahatid-sundo sa kanya sa mga lakad niya.

"Get in." Xaiver's cold baritone blocked the warmth from the sunlight as he caught me idling, watching him on the driver's seat.

It only took those two words to pull me back into reality, though. Nagkumahog akong kumilos para makapasok na sa sasakyan. I was just about to open the door at the back seat when Xaiver called my attention again.

"Dito ka sa harap," sabi niya.

Natigil ako nang ilang segundo bago ako tumuloy sa harapan. It was very unusual and awkward to be in the front seat while he was driving. Pakiramdam ko ay hindi tamang pinagmamaneho niya ako. I should be the one driving kung hindi available ang driver niya.

"Good morning," bati ko upang maganda kahit papaano ang simula ng araw namin.

Bad mood Xaiver means bad day at work and no one wants that.

"Mornin," tipid niyang balik, nakakunot pa rin ang noo.

Sungit.

Napanguso ako at isinuot ang seatbelt. Looks like I failed right from the start.

Habang naghahanap ako kung saan pwedeng ituon ang aking atensyon, nahagip ng tingin ko ang cup holder sa gitna naming dalawa. May nakalagay roon na dalawang cup ng iced coffee at brown paper bag. Ang isa ay mukhang hindi pa nagagalaw dahil wala pang bawas.

Nang mapansin niya sigurong nakita ko ang kape, Xaiver cleared his throat and moved to change his position a little. "I bought you coffee. It's an iced latte. I asked them to make sure it's not bitter," sabi niya habang diretso ang tingin sa daan. "Bumili rin ako ng pastry. I hope you like four cheese flatbread."

"Para sa akin 'to?" gulat kong tanong.

"I just said I bought these for you," diin niya.

I swallowed hard. Bakit parang labag pa sa loob niya ang bilhan ako? Hindi ko naman siya inutusan.

Play PretendWhere stories live. Discover now