Chapter 21

27.3K 1.1K 133
                                    

#OLAPlayPretend

Chapter 21
Video Call

"Sigurado ka na ba talaga sa pagpapakasal sa anak ko?" tanong ni Mama sa hindi ko mabilang na pagkakataon. Hanggang sa paalis na si Xaiver ay nagtatanong pa rin siya.

"Yes, Ma'am," he courtly answered. "I'm very certain that I want to marry her."

Walang sawa ring sinasagot ni Xaiver ang aking ina. He was so patient with her. Bawat pagsagot niya rin sa kanya ay pormal at may respeto. It was really unlike him.

"Eh hindi ba talaga masyadong mabilis?" Punong-puno pa rin ng pag-aalala si Mama. "Baka nabibigla lang kayong dalawa. Mas mabuting pag-isipan ninyo muna."

"We had months since we were separated to think about this marriage. I almost lost her before when she resigned. Now that she's back with me and accepted my proposal, I won't let go of her the second time around. I'm gonna marry her whatever it takes."

Medyo tulala pa ako habang patuloy na hinahalo ang kape kinabukasan. Hindi ko maipagkakailang tumatak sa isipan ko ang mga sinabi niya kagabi. Every word spoke to my heart as if it was trying to convince it to perceive the lies as truths.

"Chantal..."

Natigil ako sa paghalo at nag-angat ng tingin kay Mama na kumakain ng almusal. Mukhang napag-alala ko na naman siya dahil lutang ako at walang kibo. I should really get a good grip on myself. Ayaw ko naman araw-araw siyang bigyan ng problema. She shouldn't worry about anything.

"Po?"

Umayos ng upo si Mama at ibinaba ang kubyertos. "Hindi ba kayo magkikita ni Xaiver ngayon?"

It felt weird to hear her asking about him, pero dapat na akong masanay. He would be her son-in-law soon.

"Uh, hindi po... Nasa Cebu po kasi siya," sagot ko.

"Cebu?"

Tumango ako.

"Ano naman ang ginagawa niya roon? Kailan siya umalis?" tanong niya.

"May business trip po siya. Kaninang umaga umalis ng madaling araw. Sa Sabado pa ang balik niya kaya baka no'n lang kami magkita."

Xaiver texted me at five-thirty earlier to say he was about to board the plane. Tulog pa ako noon. Alas-siete na ako nagising. He should be there already, pero hindi pa naman siya nagte-text ulit.

"Ganoon ba?" Napatango-tango si Mama, parang lumalalim ang isip. "Kung ganoon pala eh dapat hindi natin siya pinapunta kagabi. Anong oras na rin siya nakauwi. Baka wala pa masyadong pahinga 'yon."

My lips parted, hearing my mother's concern for him. Parang ang bilis naman atang nakuha ni Xaiver ang loob niya?

"Pagbalik niya, ayain mo siya rito sa ating maghapunan. Magluluto ako," agad na desisyon ni Mama.

Napanguso na ako. Mukhang talagang tanggap na niya si Xaiver bilang magiging manugang niya. She obviously wanted to get to know him more, lalo na't kagabi lang sila opisyal na nagkakilala. I couldn't recall anything about introducing him to my mother before. Natural lang na gusto niyang maging malapit sa magiging manugang.

"Chantal," tawag ulit sa akin ni Mama nang hindi ako sumagot.

"Bakit po?"

"Imbitahin mo siya ah. Huwag mong kakalimutan," ulit niya.

I couldn't help breaking a smile as I nodded. "Sige po. Sasabihin ko sa kanya."

Nagsimula na si Mama sa pagpaplano ng mga putaheng iluluto niya sa pagbisita ni Xaiver sa darating na Sabado. She was so enthusiastic about it. Tinanong niya ako kung ano ang mga madalas at paboritong kainin ni Xaiver. Inalaman niya rin kung meron ba siyang allergy sa mga pagkain.

Play PretendWhere stories live. Discover now