Dise-Otso

159 9 0
                                    

Dane



"Kuya naman, umuwi na kasi tayo, subrang dilim na oh!" Pagpupumilit ko kay Kuya habang niyuyugyog siya.

"Pwedeng tumahimik at umupo ka nalang 'don, pwede?" Asar na sagot niya at tinulak ako papalayo.

Kanina ko pa sinusubukang kumbisihin si Kuya na umuwi nalang kami, kasi hello? Gubat kaya 'to. Hindi naman kasi ako mahilig mag camping na dito talaga matutulog. May dala naman kaming gamit, tulad ng flashlight, pagkain, at kung ano pang kaartehan na dinala ni Kuya.

Gumagawa kasi siya ng bonfire ngayon eh. Naguguluhan nga ako dito kay Kuya eh, sabi niya mag ha-hunting daw kami, eh gabi na. Mukha ba'kong aswang na nakakakita pag madilim?. Mukha lang akong aswang pero hindi ako ganun.

Napanguso nalang ako bago padabog na umupo sa gilid at humalukipkip habang masamang tinitignan ang likuran ni Kuya.

"Umakyat kana doon sa taas." Utos niya saakin habang nasa apoy parin ang atensiyon.

Napangiwe ako at hindi makapaniwalang napatingin sa Tree House. Ako? Aakyat? Akala niya ata katulad niya ako na mukhang uranggotan.

I pouted and get up bago lumapit sa puno at humawak sa lubid. Huminga muna ako ng malalim bago pinuwersa ang braso at umakyat pataas. Bale suporta lang naman 'tong lubid.

Relax Dane, malapit na. Nasa kalahati na sana ako ng lumuwag ang kapit ko sa lubid dahil bahagyang dumulas ito sa kamay ko.

"Fvck!" I cursed under my breathe ng tuluyan ng dumulas ang kapit ko sa lubid.

"Ahhhh!!" I scream at kaagad na pumikit. Tangina mo talaga Kuya! Andaming maliit na puno bakit itong higanteng puno pa ang natipuhan mo.

"Careless" Kuya mumbled.

Napamulat ako kaagad at napatingin kay Kuya na nasa ibaba ko ngayon.

"Umalis kana diyan" utos niya kaya mabilis akong umalis sa ibabaw niya at tinulungan siyang tumayo.

"Bakit kaba kasi hindi nag-iingat?, Muntik ka pang masaktan." Sermon niya saakin habang naka-kunot ang noo. I smiled secretly. Ang cute ng Kuya ko. Mainggit kayo.

"Eh, hindi naman kasi ako unggoy na magaling maglambitin at umakyat." Sagot ko sa kaniya at ngumuso.

"Kahit na. Malaki kana, Dane. Hindi kapa marunong umakyat ng puno?, Seriously?." At inirapan niya ako. Aba! Sinumpong na naman ang pagka-suplado ng isang 'to.

"Sinalo mo naman ako, Okay na'yon. Hehe" Sabi ko at kaagad na iniwan siya at sinubukang umakyat ulit.

I felt arms wrapped around my waist to support me to climp the tree.

"Dahan-dahan" Kuya habang tinutulak ako ng marahan paakyat.

Hmmpt. Matangkad kasi si Kuya kaya ganun. Psh. Kung ako lang matangkad, jusko, ang astig ko na siguro.

I smiled wildly ng naka-akyat na ako sa taas.

Nag-okay sign ako kay Kuya sa baba at matamis akong ngumite.

"Oks na, Kuya" Sabi ko at tuluyan ng pumasok sa loob.

"Galing talaga ni Kuya, Engineer talaga. Pero mas bagay sa kaniya maging albularyo." Bulong ko at mahinang humagikhik. May lahing kuneho at pusa kasi 'yon si Kuya, matalas ang pandinig.

May dalawang bintana sa both side ng dingding. May isang maliit na mesa at upuan at doon nakalagay ang mga gamit namin. Nakalatag narin ang kumot at ilang piraso ng unan sa sahig.

'Yan si Kuya, maraming nagsasabi na ang masungit at maldito daw siya but for me he is the best of the best and the sweetest brother I've ever have. As if, eh iisa lang naman ang kapatid ko at thankful na ako 'don. He's the perfect brother!.

Kung pwede ngalang incest eh, pinakasalan ko na'yan.

I glanced at my wrist-watch. Seven thirty eight P.M.

Tinignan ko si Kuya sa ibaba.

"Kuyaa! Kain na tayo!" Medyo kontrolado ko ang boses ko. Baka kasi  lumaki nalang bigla ang bibig ko bigla eh.

Pilit ko lang pinapakalma ang sarili ko dahil kanina pa talaga ako kinakabahan. Baka kasi may white lady dito 'e atakihin pa ako bigla sa puso.

Playing: Heart attack

Pero siyempre joke lang 'yon hehe.

"Hoy, Dane."

Gulat akong napatingin kay Kuya na naka-akyat na pala dito sa tree house. Mukha talaga siyang Matsing, ang liksi e. Haha.

"Ah, Bakit Kuya?." Tanong ko sa kaniya.

"Akala ko ba nagugutom kana?" Tanong niya.

"Oo kanina pa. Kakain na tayo?" I asked.

Tumango siya at ginulo ang buhok ko. "Get your bag and follow me." Sabi niya at bumaba na sa tree house dala din ang bag niya.

Kinuha ko rin ang bag ko na may lamang pagkain, syempre. Lagi akong gutom kaya dapat may stock.

...

SP

Trip To CapizWhere stories live. Discover now